Taxi Driver, Naitabi Pa Ang Taxi Bago Namatay

LAKING PASASALAMAT ng hindi na nakilalang ginang na nagawa pa ng sinasakyang taxi na maitabi ito ng driver matapos atakihin sa puso ang huli sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Felix Bayongo, 39 ng Peta St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2:40 ng umaga, pasahero ng biktima ang hindi na nakilalang ginang at pagsapit sa EDSA kanto ng Tinio St., Bagong Barrio ay biglang tumabi matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib.

Matapos maiparada sa gilid ay tuluyan nang namatay ang biktima na na-ging dahilan upang itawag ng pasahero sa mga pulis.

Nabatid na may sakit sa puso ang biktima ayon na rin sa asawang si Precila. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.