Taxi Driver na Illegal Recruiter, Huli sa Entrapment

MALOLOS CITY – HINDI na nakatakas ang isang taxi driver nang ilunsad ng mga awtoridad ang entrapment operation, sa isang food chain sa loob ng Malolos Public   Market kahapon ng tang-hali, makaraang magsumbong sa mga awtoridad ang kanyang naging biktima na pinangakuan ng trabaho sa bansang Japan.

Sa ulat na tinanggap ni P/SSupt.  Fernando Villanueva, PNP Bulacan Provincial Director, kinilala ang nadakip na suspek na si Melchor Pengco Y Gonzales, 48, taxi driver at residente ng Pechayan St., North Fairview, Quezon City. Samanta, nakilala ang isa sa walong biktima na si Benedicto Ramos, 25-anyos ng Brgy. Balayong sa nabanggit na lungsod.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-11:00 ng umaga nang makipagkasundo ang biktima sa suspek na ibibigay nito ang halagang P12,000 bilang karag-dagan sa una na nitong nakuhang pera na mahigit sa P5,000 para sa pag-aasikaso ng mga dokumento.
Nabatid na naging pasahero siya ng suspek, kung saan nagpakilala itong recruiter sa Japan, dahil na rin sa ganda ng paliwanag, at sa laki ng kikitain bilang laundry worker, agad siyang nakumbinsi ng taxi driver, kung saan agad siyang hiningan ng P5,000 bilang processing fee.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas,muling tumawag ang suspek kung saan agad na hi-ningi ang kabuuang halaga para sa paglalakad ng kanyang mga papel. Nadiskubre ang panloloko ng suspek nang hanapin nito sa internet ang nabanggit na trabaho sa Japan, subalit lumitaw na walang hiring ng anumang trabaho sa nabanggit na bansa.
Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Malolos City Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.