Taxi Driver, Kritikal sa Tinalo sa Bilyar

KRITIKAL ANG isang taxi driver matapos saksakin ng putol na tako ng tinalo sa bil-yar nang mapikon ang huli sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Jonas Olarte, 56, driver ng Pollane taxi.

Nadakip naman si Jonathan Pedro, 26, kasamahan driver ng biktima.

Batay sa ulat, alas-9 ng umaga, naglaro ng bilyar ang biktima at suspek malapit sa kanilang garahe sa Tullahan road ng lungsod.

Natalo at naasar ang suspek na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa paluin ng tako ng bilyar ang biktima.

Naputol ang tako na isinaksak ang tulis ng suspek sa biktima na naging dahilan upang dalhin sa JRMMC.

Nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation.         (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.