Taxi driver, ibinuwis ang buhay sa kainumang pulis

NAGBUWIS NG BUHAY ang isang taxi driver matapos nitong saluhin ang ikalawang bala para sa pulis na kainuman, habang sugatan ang huli nang pagbabarilin ang mga ito ng dalawang salarin kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong tama ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa batok ang biktimang si Marlon Maguigan, nasa hustong gulang, ng Rivera Extension, Brgy. 160, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod.

Nilalapatan naman ng lunas sa nabanggit na pagamutan sanhi ng tinamong tama ng bala sa likod si P01 Mark Anthony Padua, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Northern Police District (NPD).

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Cyjay Tan, 20, at isang alyas Jimmy, kapwa residente ng No. 288 Rivera St., Brgy. 160, Sta Quiteria.

Sa nakalap na impormasyon kay Chief Insp. Rodrigo Soriano, hepe ng SIDMB, Caloocan Police, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Salvador St., Brgy. 160, habang nag-iinuman ang mga biktima.

Bigla na lamang lumapit ang isa sa mga suspek kay Padua, at tinanong kung ano ang problema nito kay Tan (suspek) sabay hugot nito ng baril at pinaputukan ang pulis.

Dito, lumapit si Maguigan upang umawat subalit nang magpaputok uli ang mga suspek, agad na niyang hinarang ang bala dahilan upang tamaan ito sa batok na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Matapos ang insidente, mabilis na nagsitakas ang mga suspek habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang mga biktima, kung saan hindi na rin umabot pang buhay si Maguigan.

Nabatid na bago ang insidente, sinita ni Padua ang isa sa suspek na si Tan, na kapag dumaan ito sa naturang lugar ay magdahan-dahan sa kanyang pagmamaneho. Subalit sa halip na sundin ito ng suspek, lalo pa nitong pinahaharurot ang sasakyan.       (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Taxi driver, ibinuwis ang buhay sa kainumang pulis

  1. Pingback: Taxi driver, ibinuwis ang buhay sa kainumang pulis - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.