Taxi driver, hinoldap ng pellet gun

PELLET GUN ANG ginamit ng dalawang kelot sa panghoholdap sa isang taxi driver sa Valenzuela City noong nakaraang Miyerkules ng umaga.

Nadakip naman ang mga suspek na sina Lambert De Castro, 27, ng Paz St., Morning Breeze Subd., Caloocan City at Renan Caasi, 35, ng Caimito St., Dalandanan, Valenzuela City.

Sa pahayag ng biktimang si Rogelio Jose, 36, ala-1:20 ng umaga, naisakay niya ang mga suspek sa MacArthur Highway ng lungsod at nagpapahatid sa Quezon City.

Pagsapit sa MacArthur Highway sa Dalandanan, naglabas ng baril ang isa sa mga suspek at kinuha ang P4,000 pasada ng biktima.

Pinababa sa taxi ng mga suspek ang biktima at inutusang tumakbo subalit nakakita ng pulis si Jose na naging dahilan upang humingi ng tulong.

Binalikan ng mga pulis ang mga suspek at hindi na nakapalag ang mga huli nang dakpin, kung saan nakuha ang pellet gun na ginamit ng mga ito habang nabawi naman ang kinuha sa biktima. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.