Taxi Driver, Hinoldap na, Tinodas pa

HINOLDAP AT pinatay ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang taxi driver sa Reyes Street cor. Quirino Avenue sa Malate, Manila.

Kinilala ang nasabing biktima na si Jose Sunga Bautista, driver ng Kim Darwin Taxi na may plakang UVZ 220.

Sinasabing nagpanggap na pasahero ang suspek at agad nagdeklara ng holdap nang makarating sa nasabing lugar.

Samantala, naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit binawian din ng buhay matapos magtamo ng saksak sa dibdib.

Aabot naman sa P2,000 kinita ng biktima ang natangay ng salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.