Tax Exemption Kay Pacquiao, Tinutulan ni Poe

NAGPAHAYAG NG pagtutol si Senator Grace Poe sa isinusulong na panukala na naglalayong ilibre si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa pagbabayad ng income tax dahil sa karangalang naibigay nito sa Pilipinas.

Sinabi ng mambabatas na  hindi niya minamaliit ang karangalang naibigay ng Pambansang Kamao sa bansa pero lahat ng mamamayan ay may obligasyon sa pagbabayad ng buwis.

Ayon pa sa senadora, kahit ang Pangulo o bayani ay may pananagutan na mag-ambag sa kaban ng bayan.

Samantala, pabor naman si Poe na bigyan ng konsiderasyon ng Bureau of Internal Revenue ang boksingero  para maresolba ang kanyang problema tungkol sa pagbabayad ng buwis.

“Pero sang-ayon ako na bigyan ng konting konsiderasyon si Pacquiao sa pamamagitan ng kaunti pang palugit para ayusin ang sitwasyon,” pahayag ng mambabatas.

Kung tutul si Poe, pabor naman si Sen. Vicente Sotto III sa panukala na ilibre si Pacquiao sa pagbabayad ng buwis.

Inihayag pa ni Sotto na dapat ma-exempt sa buwis ang mga nagawang panalo ng mga atleta kung ito ay natamo sa labas ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.