Tattoo Artist, Tiklo sa Shabu

DINAKIP ANG isang tattoo artist na hinihinalang drug-pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa loob ng isang videoke bar sa Sitio Angol, Brgy. Manoc-manoc sa isla ng Boracay.

Kasalukuyang nakapiit sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP-Aklan) at nahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang salarin na nakilalang si RJ Besana, 33, residente ng Negros Occidental.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa talamak na bentahan ng droga sa nasabing lugar.

Dito na nagsagawa ng surveillance ang mga kinauukulan at isinunod ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Besana.

Narekober naman sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng Shabu, marked money, at iba pa. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.