Tatlong lalaki ang tinutuhog… Sam Pinto, Playgirl?

 

MALA-DIYOSA KUNG ITURING ang ganda ng FHM Sexiest Woman in the World na si Sam Pinto kaya ‘di maiwasang maiugnay ang dalaga sa iba’t ibang lalaki. Sa nakaraang Star Magic Ball dumating si Sam with her date that night na si Paul Jake Castillo na co-housemate niya sa PBB Double UP. Sinasabi ng mga makakati ang dila na inahas daw ng hitad si Papa PJ sa non showbiz girlfriend nito? Naku, huwag agad magbibintang, mga kaparazzi at masama ‘yan he-he!

Nali-link rin ang ating bida sa isang member ng Philippine Azkals na si Nate Burkey na kamakailan eh, naispatang magkasama sa isang event.

Ang pinakamatinding akusasyon sa nananahimik na si Sam ay ang pilit na pag-uugnay sa kanila ni Cesar Montano na leading man ng aktor sa ginagawa nilang action movie. ‘Di p’wede ‘yan kay Mareng Sunshine Cruz… tsk, tsk!

Nakakalokah ang mga eksena, ‘di ba? Imagine, pilit talagang inili-link si Sam sa tatlong guys na ito, at take note, lumalabas tuloy na playgirl ang loka.

Ang masasabi lang namin ay walang katotohanan ang tsismaks sa kanya dahil hindi pa naman napapatunayan at walang ebidensiya, ‘noh! Saka na lang siguro kami maniniwala kapag nakita na ng aming magagandang mata, hahaha!

Atin munang sulyapan si Sam Pinto kasama ang tatlong masusuwerteng lalaki. Kayo, sino ang bet n’yo? Pili na!

Photos by Mark Atienza & Luz Candaba

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Tatlong lalaki ang tinutuhog… Sam Pinto, Playgirl?

Leave a Reply

Your email address will not be published.