Tatay, todas sa kaalitan ng anak

 

PATAY ANG isang ama matapos harangin nito ang bala na ipinutok ng kaaway ng kanyang anak na dapat ay para rito sa Brgy. Monica, Iloilo City.

Batay sa ulat na isinumite sa Camp Crame, nalagutan ng hininga ang tatay na kinilalang si Jimmy Bais na residente ng Barangay Monica, city proper, habang nilulunasan sa Iloilo St. Paul’s Hospital.

Dagli namang umeskapo ang suspek na si Benjamin Espinosa matapos ang ginawang krimen.

Ayon sa report, sumugod umano si Espinosa sa bahay ng nasawi at hinahanap ang anak nitong si James Shaby na kaalitan ng anak. Su-

balit nang hindi nito mahagilap ang taong pakay ay ang biktima ang napagbuntunan nito ng galit. Nagkaroon ng mainit na sagutan sa pagitan ng biktima at suspek, hanggang sa nauwi ito sa pamamaril ng suspek.

Dahil sa nangyari, nataranta ang suspek at dagling nilisan ang bahay ng biktima at umeskapo.

Ayon sa isang anak ng biktima, kasalukuyan si-lang natutulog ng mga oras na sumugod ang suspek sa kanilang bahay, at nagising umano sila nang tadyakan nito nang malakas ang kani-lang pintuan.

Galit nitong hinahanap ang kanyang nakatatandang kapatid na kaalitan nito, at nang hindi mahagilap ay nagpaputok pa umano ito nang dalawang beses.

Ang unang putok ay tumama sa dingding ng kanilang bahay, habang ang ikalawang putok naman ay sumentro na sa ulo ng haligi ng tahanan.

Sa kalukuyan ay patuloy ang pagtunton sa suspek upang panagutin ito sa krimeng ginawa.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.