Tatay, patay sa bugbog ng asawa at ng 2 anak

MASAKLAP ANG INABOT ng isang 53-anyos na ama nang mamatay sa bugbog ng sariling pamilya sa San Carlos City, Negros Occidental kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang namatay nang mabasag ang bungo at sugat sa katawan na si Alfredo Mediano, residente Sitio Maglunod, Brgy. Quezon, San Carlos City, Negros Occidental.

Ayon kay PO2 Roger Pama, officer-on-case na nakatalaga sa San Carlos City PNP, pinaghahataw ng tubo ang biktima ng asawa nitong si Benedicta at pinagtulungan pa ng dalawang menor de edad na anak.

Sa imbestigasyon, lasing na umuwi si Alfredo dakong alas-11 ng gabi at nang makita ang asawa ay tinadyakan at sinakal ito.

Nasaksihan ng dalawang anak ang ginawa ng kanilang ama sa ina kung kaya naman kumuha ang mga ito tubo upang takutin lamang ang ama para tumigil.

Subalit lalong lumala ang komosyon na nauwi sa pana-nakit ng ama sa mga anak kaya dito kinuha ni Benedicta ang tubo at hinataw ang mister.

Sa presinto, matigas ang loob ng mag-iina na wala silang pinagsisihan kahit namatay na ang kanilang padre de pamilya dahil sa pagmamalupit na kanilang naranasan dito.              (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.