Tatay ng SK President, Nahaharap sa Patung-patong na Kaso!

NAHAHARAP NGAYON sa patung-patong na kaso ang isang negosyante at tatay ng SK president ng lungsod matapos bastusin ang dalawang kabataang babae, sirain ang sasakyan at paulanan ng bato ang harap ng kanilang tahanan sa Purok 4, Brgy. Lugam, Malolos City.

Kinilala ang inireklamo na si Diosdado Manaysay Jr.,alyas “Joy” tatay ng SK president ng Malolos City na si Paulo Manaysay.

Base sa salaysay na reklamo ng mga biktima na si Mae, 17 anyos, at kapatid nitong si Pauline, 19, at ang kanilang ina na si Jocelyn Cabral, dumating umano ang suspek na may kasamang isa na umano’y bangag sa alak, bandang alas-8:30 ng gabi nu’ng Miyerkules Santo sa kanilang tindahan at umorder pa ng dalawang beer.

Ayon kay Mae, pilit umano siyang pinalalabas ng suspek sa kanilang tindahan para mai-table at ng kanyang tanggihan, nagalit ang suspek at kung anu-anong masakit na salita ang sinabi nito sa kanya.

Bukod dito, sinabi at nagyabang umano ang suspek na walang buma-bangga at pumapahiya sa kanya lalo na sa lugar nila dahil takot umano ang tao sa kanya at tatay siya ng SK president.

Agad na lumabas ng tahanan ang ina ng mga biktima para awatin ang suspek ngunit ito naman ang binalingan at sa lakas ng sipa ng suspek sa gate ng bahay ng mga biktima, tumama ang bakal sa hita nito.

Hindi pa nasiyahan, kumuha ng bato ang suspek at ilang beses na binato ang gate ng bahay at sinira umano nito ang pinto ng sasakyan ng mga biktima.

Dahil marahil sa sobrang pagkakapahiya, akmang susuntukin ng suspek ang biktima, nang lumapit ang mga tanod na noo’y matagal nang nakatanghod sa mga pangyayari para umawat.

Agad na umalis ang suspek ngunit pagkalipas ng limang minuto, muli itong bumalik at pinagbabato ang tahanan ng mga biktima at muli silang pinagmumura.

Nabatid na naging ugali na umano ng hambog na suspek ang pagwawala sa tuwing masasayaran ng alak ang ulo nito, kung saan ipinagmamalaki nitong protektado siya ng isang maimpluwensya at dating pulitiko sa nabanggit na siyudad.

Mga kasong violation of R.A. 7610 o Child Abuse, RA 9262 o Violence Against Women and Children, at Malicious Mischief at Grave Threaths ang isasampa ng mga biktima laban sa suspek.     (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Tatay ng SK President, Nahaharap sa Patung-patong na Kaso!

  1. Pingback: Tatay ng SK President, Nahaharap sa Patung-patong na Kaso! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.