Tatakbong Chairman, Sakote sa Pamemeke

NAARESTO NG mga awtoridad ang isang tatakbong barangay chairman at dalawa pa makaraan maaktuhang namemeke ng police clearance at barangay form para gamitin sa darating na halalan pambarangay sa Caloocan City sa isang bakanteng lote sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ang mga inaresto ay nakilalang sina Marcelino Delos Reyes, alyas “Archie”, 62, may-asawa, dating OFW at residente ng # 83 V. Gozom St., Heroes del 96; Renato Trasporte, 40, ng # 12 A. Parkley St., Heroes del 96; at Marck John Del Rosario, 25, binata, ng # 125 Heroes Del 96, Brgy 75 ng nabanggit lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon nina SPO3 Joel Montebon at SPO1 Fredirick Manansala, mga imbestigador ng SIDMB ng Caloocan City Police at may hawak ng kaso, dakong alas-3:00 ng hapon nang maaresto ang mga nabanggit na suspek sa sa isang bakanteng lote na matatagpuan sa pagitan ng Calaanan at Farley Street.

Sa sinumpaang salaysay nina Romano Carpio, 34; at Ernesto Crisostome, 36, pawang mga barangay official at residente ng Heroes del 96, noong nakaraang Hunyo 23, may nakarating sa kanilang impormasyon na may mga kalugar sila na may hawak na pekeng police clearance, kung saan isa sa kanilang kabarangay ang nagbbigay ng nasabing pekeng police clearance.

Kaagad na ipinagbi-gay-alam nina Carpio at Crisostomo sa pulisya ang hinggil sa pagpapakalat ng nasabing clearance na mabilis namang nagsagawa ng police operation na humantong sa pagkakaaresto kina Delos Reyes, Transporte at Del Rosario.

Narekober sa mga susapek ang iba’t ibang papeles, police clearance na may iba’t ibang pangalan, Comelec Application form, isang set ng computer, isang set ng scanner at isang xerox machine.

Ang mga naarestong suspek ay ipaghaharap ng kasong Falsification of Public Document sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.