Task Force Roura, Binuo ng PNP Laban sa 2 Pulis

AGAD NA bumuo ng Special Investigation Task Force Group Roura, ang pamunuan ng PNP upang mas mapadali ang paglutas sa kaso sa naganap na pamamaslang sa Punong Barangay ng Brgy. Poblacaion, San Miguel, Bulacan laban sa “dalawang AWOL na pulis” nito lamang linggo ng madaling-araw, Mayo 5 2013.

Sa kalatas na ipinalabas ni Officer-In-Charge PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, umabot sa 11 sangay ng PNP ang tututok sa kaso ng pagpatay sa biktimang si Kap. Ronnie Roura, 40 anyos, na nasa unang termino pa lamang ng kanyang panunungkulan bilang kapitan del barrio.

Matatandaang binaril at napatay ng riding in tandem si Roura, habang isa pa ang nasugatan sa insidente, kung saan galing sa paglalaro ng e-games ang kapitan sa Brgy. Camias.

Nabatid na pamumunuan ni Deputy Provincial Director for Operation P/Supt. Adriano  Enong Jr., kung saan kasama sa binuong task force group ang Provincial Intillegence Division Management Branch, Provincial Intelligence Branch, Provincial Operation Branch, Provincial Public Safety Company, San Miguel Police Station, Bulacan Crime Laboratory, Criminal Investigation and Detection Team, Highway Patrol Group, Regional Intelilegence Office-3 at Provincial Communication and Relation Branch.

Sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, ang itinuturong nasa likod ng pamamaslang sa kapaitan del barrio ay angh mga AWOL na pulis na sina SPO2 Liwag at PO1 Dayao.

Matatandaang sina SPO2 Liwag at PO1 Dayao ang itinuturong nasa likod ng bigong pagpagpatay kay Sta. Ines barangay chairman John Bong Alvarez noong Pebrero 6 nang nakalipas na 2012 kung  saan dalawa sa mga tauhan nito ang napatay habang nasa isang spa sa nabanggit na barangay.

(TONY DELA PEÑA)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.