Task force kontra cybercrime, ikinakasa

MATAPOS NA katigan ng Supreme Court (SC) ang karamihan sa mga probisyon ng kontrobersyal na Cybercrime Law, inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na makikipagsanib-puwersa sila sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa nasabing krimen.
Sinabi ni PNP Anti-Cybercrime Group Director Senior Superintendent Gilbert Sosa na bubuo sila ng joint task force na makatutulong para mas maging madalas ang palitan ng impormasyon ng NBI at PNP sa mga kaso ng paglabag sa bagong batas.
Ayon kay Sosa, balak nilang dagdagan ang Cybercrime unit ng PNP sa bawat rehiyon ng bansa. Samantala, tanging ang Cebu, Legaspi, General Santos, Davao, Cagayan de Oro at Zamboanga City aniya ang may forensic laboratory.
Dagdag pa ng PNP na importanteng matutukan ang problema ng cybercrime dahil 80% na ng populasyon ang maituturing na mga netizen.
Matatandaan na napasama pa ang Pilipinas sa top 10 na pinaggagalingan ng mga materyales para sa child pornography.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.