Task force chief na nakahuli kay Delfin Lee, tinanggal sa puwesto

PAGKAGULAT ANG naging reaksyon ni Task Force Tugis Chief, Senior Superintendent Conrado Capa sa pagsibak at nakatakdang paglipat sa kanya ng PNP sa ibang puwesto matapos matagumpay na maaresto ang negosyanteng si Delfin Lee.

Kinumpirma ni Capa na natanggap na niya nitong Miyerkules ang kautusan.

Mababakante na ang kanyang posisyon bilang task force head at malilipat siya bilang deputy regional director for operations ng Provincial Regional Office Region 7 (PRO-7).

Nagulat aniya siya, “dahil wala pang isang linggo matapos kong makuha si Delfin Lee, naisyuhan na ako ng order. Hindi pa tapos ang report, na-relieve na ako rito.”

Una nang inihayag ni PNP Chief Alan Purisima na “stepping stone” sa promosyon at pagiging heneral ni Capa ang nasabing pagsibak.

Reaksyon naman ni Capa: “Ang sa ‘kin lang po personally, kung talagang ako’y tatawagin [bibigyan] ng reward, ako naman po’y hinog na para ma-promote e.”

Kung gugustuhin aniya ng PNP, may pwesto kung saan maaari na siyang ma-promote.

Maganda naman din aniya kanyang performance sa mga nagdaang taon.

Pagkumpara pa nito, may mga kasabay siya sa PMA na nasa ‘puwesto’ na ngayon.

Suhestyon ni Capa kay Purisima: “Sana pinalamig-lamig niya muna, pinalipas niya ng mga ilang linggo saka niya ako in-assign sa Cebu.”

Lalo’t may mga tanong at isyu pa aniya ukol sa pagkakadakip.

Ngunit paglilinaw ni Capa, wala namang problema sa bagong destino. “Hindi naman demotion ‘yan. Medyo isang step pa.”

Samantala inihayag naman ni Capa na hiindi pa sila nagkakausap ni Purisima ukol dito.

Hindi rin aniya siya binati ng PNP Chief nang maaresto nila ang negosyante.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.