Task force, Binuo sa Nangyaring Pagsabog sa Makati

BUMUO NA ng task force ang Southern Police District para tutukan ang pagsisiyasat sa nangyaring pagsabog kamakailan sa Salcedo Village, sa Makati City.

Ayon kay SPD spokesperson C/Insp. Jenny Tecson, kanilang binuo ang Special Investigation Task Group Dela Costa para alamin ang motibo sa nangyaring pagsabog at kung sino ang maaaring nasa likod ng krimen.

Patuloy rin umano ang ginagawang “processing of evidence” ng kanilang Explosives and Ordinance Division at Scene of the Crime Operations teams.

Una na ring inihayag ng mga kinauukulan na malabong may kaugnayan sa terorismo ang naganap na insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.