Task Force Bantay-Bihis, binuhay

BINUHAY NG PHILIPPINE National Police (PNP) ang kanilang Task force Bantay-Bihis upang masawata ang iligal na paggawa at pagbebenta ng uniporme ng mga pulis.

Bukod pa ito sa layuning matiyak ang maayos na pananamit ng mga tauhan ng PNP alinsunod sa tamang bihis-alpha.

Ipinaalala rin ni Director Lani-O Nerez, Director for Research and Development ang implementasyon ng mga batas at polisiya laban sa iligal na pagbebenta at distribusyon ng uniforms at accessories.

Bukod pa ito sa regular na inspeksyon sa mga dealer, manufacturer, seller at distributors ng PNP uniforms upang matukoy kung nakasusunod ang mga ito sa provisional certificate of conformity.

Ang paalala ay ginawa ni Nerez kasunod ng pag-atake ng mga rebelde na nakasuot ng pekeng military at police uniforms sa Panabo City Police Station sa Davao Del Norte noong Marso 19.

Nasawi sa insidente si PO3 Narciso Pakiwag at nasugatan ang tatlong pulis at isang sibilyan.              (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.