Task Force Alvarez, Inilunsad ng PNP

MATAPOS MAPATAY ang dalawang bodyguard ng sugatang barangay captain, agad na naglunsad ng  Task Force Alvarez ang Bulacan PNP upang mas mapadali ang paghahanap sa sugatang mga suspek na nasa likod ng bigong pag-ambush sa kapitan ng Brgy. Sta Ines habang nasa loob ng SPA sa Brgy. San  Juan, San Miguel, Bulacan.

Itinalaga ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr. bilang head ng Task Force Alvarez si Supt. Adriano Enong, Deputy for Administration. Kasama nitong tututok CIDG, PPSC at HPG sa kaso ng pamamaslang sa dalawang tao nito na sina Josefino Alvarez, 37anyos, ng Brgy. Sta. Ines; at Roel Vidal, 52 anyos, ng Brgy. San Juan. Nakaligtas naman si Brgy. Chairman John Bong Alvarez, 39 anyos, ng Brgy. Sta. Ines.

Bunsod nito, lumilitaw rin sa paunang imbestigasyon na posibleng pulitika ang dahilan ng tangkang pagpatay sa biktima dahil plano umano nitong lumaban bilang alkalde sa nabanggit na bayan sa darating na 2013 mid-term elections.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.