Taruc, ‘di ilalaglag si CGMA sa PCSO scam

NANINDIGAN SI dating PCSO director Jose Taruc V na hindi niya ilalaglag sa kaso si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ng abogado nitong si Atty. Filibon Tacardon na walang balak ang kanyang kliyente na maging state witness at ibato ang akusasyon sa ibang mga akusado sa nasabing kaso.

Sa simula pa aniya ay naniniwala na si Taruc na wala silang nilabag na batas sa mga transaksyon ng PCSO, partikular na ang pinaggamitan ng P366 milyong fund.

Dahil dito, nagpasok ng “not guilty” plea ang da-

ting PCSO official at itinakda ang pagdinig dito sa Marso 26, 2014.

Inihayag naman ni Justice Efren dela Cruz na submitted for resolution na ang bail petition ni Taruc at maaaring ilabas ang ruling anumang araw mula ngayon.

Sa ngayon, mananatili muna si Taruc sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.