Target: Si P-Noy sa Senado at ang Perya Queen

IIMBESTIGAHAN DAW NG Senado, kung kinakailangan, si Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa malagim na trahedya ng hostage-taking sa Luneta noong Agosto 23.
Susmayosep, parekoy! At ano naman ang itatanong kay P-Noy o isasagot niya sa Senado?
Kung sino ang kumatawan sa DILG? Ako na ang sasagot… si Usec Puno!
Kung sino ang nag-utos na arestuhin ang kapatid ni Mendoza? ‘Di ba sinagot na ‘yan sa Senado? Si Mayor Alfredo “Dirty Harry” Lim!
Bakit hindi nasagot ni P-Noy ang tawag sa telepono ng isang Hong Kong official? Eh, wala ngang load! Ehek!
Ano ba? Abala nga si Pangulo sa dami ng kanyang obligasyon!
Bakit kung sinagot ba ni P-Noy ang tawag na ‘yon, maililigtas na ‘yong mga biktima?
Higit sa lahat, kung sa asunto nga eh, ayon sa batas ay immune ang Pangulo… ‘yan ay upang mai-concentrate niya ang sarili sa higit na mahahalagang suliranin ng bansa, sa imbestigasyon tuloy ng isang “co-equal branch” ay iistorbuhin siya?
Hindi tayo nagsisipsip sa Pangulo dahil ni hindi nga tayo kilala, at wala naman tayong mapapala kung gawin ko man ‘yon. Pero sa totoo lang, parekoy, nagkamali tayo ng iniluklok bilang Pangulo.
Dapat ang inilagay natin ay si Superman o si Batman!
Bakit? Aba eh, noong nang-torture ang demonyong si Binayug… si P-Noy ang dinadalirot kung ano raw ang gagawing hakbang.
Noong nagmaktol si Admiral Angue… si P-Noy ang sinisisi sa balasahan sa AFP.
Noong naghiwalay sina Kris at James Yap, nakaladkad din ang pangalan ni P-Noy.
Noong hindi makita sa oath-taking n’ya si Konsehala Shalani, si P-Noy ang naintriga.
Ngayon naman, si P-Noy pa rin ang ginigisa?
Paano kung mabuntis ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez gayung may problema ito sa ovary… si P-Noy na naman uli?
Diyos kong mahabagin naman!!! Sa halip na kundenahin natin palagi, bakit hindi tayo makipagtulungan sa “infant” na administrasyon ni P-Noy?
Sa totoo lang, parekoy, hindi ko siya ibinoto, pero alam kong hindi makatutulong kung pati ba naman pagkati ng itlog ni Binayug ay si P-Noy pa ang sisisihin!
Ibig kong sabihin, parekoy, hindi si Superman ang ating Pangulo na sa isang kisap-mata ay kayang ituwid ang maraming mali at agaran tayong maihatid sa Paraiso ng Eden.
Kaya bago natin batuhin si P-Noy ng kaliwa’t kanang sisi, tanungin muna natin ang ating mga sarili… may nagawa na rin ba ako para sa bayan? Wala! Ehek!

SA SUSUNOD NA isyu ay aalamin natin itong pulis na “kabit” ng Perya Queen na si Ineng kaya malaya ngayon itong nakapagpapasugal d’yan sa Batasan Quezon City. Maging ang tauhan nitong adik na si Joel ay sobra raw ang yabang ng animal dahil kay sarhento. Tingnan natin!!!

jabriones10@yahoo.com
09321688735/ 09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5563 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.