Target: Si Mayor Lim at ang Patong sa Pergalan

LUMUTANG SA IMBESTIGASYONG isinasagawa nina DoJ Sec. Leila de Lima, kaugnay sa “hostage incident” noong Agosto 23, ang isang nakakaalarmang impormasyon.

Ito, parekoy, ang tungkol sa pagkakahuli raw noon ng isang anak ni Mayor Lim.

Ayon sa inisyal na impormasyon, ito raw si Sr. Insp. Mendoza na noon ay isang opisyal ng Western Police District ang nakahuli sa nasabing anak ni Lim kaugnay sa iligal na droga.

Mahalagang mabusisi ang anggulong ito, parekoy, dahil sa napakaraming pagkukulang sa naganap na negosasyon kung saan ito humantong sa pagkamatay ng walong Hong Kong nationals. At ng “hostage-taker” na si Sr. Insp. Mendoza…  ang opisyal na humuli raw noon sa anak ni Lim!

Nasa kasagsagan kasi ng pag-aalburuto ng hostage-taker dahil sa pagkabigong maibigay ng Ombudsman ang dokumentong nais mabasa ni Mendoza…

Pero sa halip na makipagmabutihan uli sa nag-aalburutong si Mendoza, iniutos pa tuloy ni Mayor Lim na hulihin ang kapatid nito!

Resulta? Patay ang walong biktimang foreigner. At ang hostage-taker na si Mendoza…  ang dating police officer na humuli raw noon sa anak ni Lim!

Dalawang ulit na tinangka na maiparating sa Department of Justice ang “case folder” ni Mendoza ngunit dalawang ulit din itong hinarang…

Kung nakarating lamang ito sa DoJ ay posibleng naiba ang pangyayari at maaaring buhay pa ang walong dayuhang biktima. Buhay pa rin sana si Mendoza…. ang pulis na humuli raw noon sa anak ni Lim!

Kung ang naganap na insidente ay itinaas sa “national level”, ang national crisis committee sana ang nagdi-desisyon at hindi gaya sa naganap na “local crisis committee” kung saan ang lider ay si Mayor Lim. Ang ama ng hinuli raw noon ni Sr. Insp. Mendoza!

May kasabihan, parekoy, ang Pilipino na kung ang anak ay kayang tiisin o balewalain ang magulang… ang ama ay hindi!!!

MARAMING RESIDENTE SA Batasan at Cubao ang nagtatanong kung bakit hindi raw maipatigil ng mga pulis ang talamak na sugal sa loob ng peryahan diyan sa kanto ng Pinatubo at Aurora Boulevard at ang isa naman ay sa may paradahan ng mga tricycle malapit sa Batasan, Quezon City.

Tang’na naman, parekoy, simple lang ‘yan…

Ang nasabing mga pasugalan ay nasa dulo lang ng tungki ng PNP Precinct No. 6 at No. 7.

Pero hindi kayang ipatigil?

Natural, pulis ba naman ang patong ng mga demonyong iligalista na ‘yan!

Ang masakit, parekoy, kapag naiparating natin ito sa matataas na opisyal ng PNP ay sasabihin na naman ng mga taga-Presinto 6 at 7 na hindi nila alam!

Ugok! Samantalang gabi-gabi ay umu-orbit ang mga pulis n’yo!

‘Yan ba ang hindi alam? Pwe!!!

jabriones10@yahoo.com, 09064369653

Target
ni June Briones

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.