Target si Jewel Mische KIMERALDS, NAGBANTA NA NAMAN!

MATAPOS PAG-INITAN SI Bea Alonzo, target naman ngayon ng hate mails at ‘death threats’ ang kaka-ober da bakod pa lang na si Jewel Mische ng mga nanggagalaiting fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Makailang ulit na kaming nakatatanggap ng e-mails mula sa Kimeralds na noong una’y naglalaman lamang ng kanilang pagkadismaya sa Kapamilya network. Ani ng mga e-mails, binabalewala umano ng network ang mga sumusuporta rito, kung kaya’t gumawa na sila ng Facebook account para i-boycott ang ABS-CBN. Hinihikayat pa ng mga nagpadala ng e-mail na ‘i-like’ ang nasabing FB ‘hate’ account para ipakita sa pamunuan ng Dos na marami na ang hindi nagkakagusto umano sa pagbale-wala sa kanila ng network.

Kalaunan, lumabas na ang tunay na pinagsinsintir ng fans na nagpapadala ng e-mail sa amin. Ang dahilan, ang proyektong pagtatambalan nina Gerald at ng dating girlfriend ni Richard Gutierrez. At kung seseryosohin ang nilalaman ng e-mail, disturbing ito sa makababasa.

Sa e-mail ng ‘Joel Bernabe’ <jbernabe84@yahoo.com> na may subject matter na ‘Kamatayan ni Jewel’, nakalahad ang ganito: Wag ninyo kaming sinusubukan dahil walang nakakaligtas sa amin,lalo pa ngayon na sukdulan na ang galit at poot na nararamdaman namin sa ABS-CBN. Hindi namin sasantuhin si Jewel Mische, sisiguruhin namin ang kanyang kamatayan. Nagkamali siya ng binagga at kinalaban, wag siyang magpakasaya dahil any moment pwede siyang tumumba sa kanyang kinatatayuan. Shoot to kill ang gagawin naming pagpatay sa kanya, shotgun ang gagamitin namin kay Jewel para siguradong patay at hindi na mabubuhay pa. Pupuruhin namin siya sa ulo para sabog at basag ang kanyang bungo. Kaya wag na kayong mag-aksaya ng oras at pera na ipareha ang ingrata kay Gerald Anderson.

Halos ganito rin ang taktikang ginawa ng umano’y Kimeralds nang unang lumutang ang isyung pinaghiwalay na ang loveteam nina Kim at Gerald, at nang lumabas ang balitang nagkakamabutihan na sina Gerald at Bea Alonzo. Katakut-takot na death threats ang inabot ni Bea na sinasabi ng mga umano’y Kimeralds nang-agaw kay Gerald sa katambal nitong si Kim.

Tumahimik lang ang mga nagwawalang fans nang biglang mag-produce ang Star Cinema ng Kim-Gerald movie, ang Till My Hearthaches Ends, at itanggi noong una ni Gerald na may ‘something’ sa kanila ni Bea.

Ang tanong nga, sa nangyayaring ‘pag-aalburoto’ na naman ng Kimeralds, pagbigyan kaya ulit ng Dos ang ipinagmamaktol ng mga ito?

Sa totoo lang, sa ganang amin, daig pa ng mga Kimeralds ang isang batang inaagawan ng lolipop. Hindi titigil ang pagngangawa hangga’t hindi ibinabalik ang inagaw na pagkain. Kung iisipin naman, wala talagang inaagaw sa kanila. Dapat pa nga silang matuwa na ang kanilang mga idolo ay naka-graduate na sa ‘loveteam syndrome’ na nagpapabansot lang sa kakayahan ng mga artista na maipakita ang kanilang kakayahang gumanap ng mas makabuluhang papel sa telebisyon at pelikula.

Hindi na rin naman teenager sina Kim at Gerald, nagma-mature na sila, personally at professionally. Kaya naman, kung talang love ng Kimeralds ang kanilang mga idolo, panahon na siguro para hayaang mag-grow individually sina Kim at Gerald. Doon lang kasi maipakikita ng dalawang youngstars na karapat-dapat silang tingalain at ipagkapuri ng kanilang mga tagasuporta, tulad nga ng Kimeralds.

Puwede naman nating palawakin ang ating isipan, ‘di ba? Kaya nga hindi ako basta naniniwala sa sinasabi ng isang kasamahan  sa panulat na ang mga Kimeralds ay ‘Krimenalds’. ‘Yun na!

BLIND ITEM: SINO naman itong sikat na sikat na teen actress na ‘di sinasadyang nakitaan ng butlig-butlig at rashes sa kuyukot sa isang event?

Chika nga sa amin ng very reliable source, hindi raw kumportable ang actress sa kanyang suot na pekpek shorts, na kitang-kita na nga ang kanyang kuyukot. Hindi nga raw malaman ng actress kung paano iha-hide ang kanyang kuyukot na may rashes, kaya naman to the rescue ang kanyang shoal na pantakip sa dapat takpan.

Lalong naging obvious daw si actress, dahil kada lakad nito, lingon ng lingon sa kanyang likod, at pilit na tinatakpan ang kaliwang hita nito.

Sino siya? Naku, basta may kapangalan siyang isang sikat ding TV personality. ‘Yun ang clue, at baka may magwala na naman! He-he!

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

loading...

2 thoughts on “Target si Jewel Mische KIMERALDS, NAGBANTA NA NAMAN!

Leave a Reply

Your email address will not be published.