Target: Sec Luistro at Ombudsman

MAGANDA ANG LAYUNIN ni Pangulong Noynoy sa pagtatalaga kay Armin Luistro bilang Kalihim ng Department of Education.

Op kurs parekoy, gusto ni P-Noy na tumaas ang antas ng edukasyon sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Armin Luistro!

At siyempre, upang magkaroon ang mga mag-aaral ng matalas na “sentido komon.”

Kaya lang, sa unang araw pa lang ni Luistro ay nagpakita na agad ito ng malamyang common sense…

At masalimuot na edukasyon!!!

Bakit? Aba eh, sukat ba namang sabihin nito nang harap-harapan sa mga mamamahayag na hindi nakatutulong ang media sa usapin ng “sex education!”

Anak ka ng nanay mong Luistro ka, alam mo ba ‘yang nililitanya ng bunganga mo? Ha?

Paano mo nasabing walang maitutulong ang media sa usaping sex education?

Nakalimutan mo na ba Sec. Luistro na mga bata ang tuturuan ninyo ng usaping iyan?

Aba’y paano naman malalaman ng taumbayan kung makatutulong ba o makakasama sa mga bata ang itinuturo o ituturo n’yo?

Hindi ba ‘yan ay sa pamamagitan ng media?

Hindi ba’t ang ituturo n’yo ay tungkol sa kahalayan, kalibugan, pakikipagtalik at kamunduhan?

Tapos ayaw mong makialam ang media?

B’wisit!!!

IMPEACHMENT LANG DAW ang makapagpapaalis sa kanya sa tungkulin, ito ang sabi ni Ombudsman Merceditas Guttierez.

Mali ka Mam, p’wede mo ring ibakante ang p’westong ‘yan sa pamamagitan ng “voluntary resignation!”

At ang pagiging malapit sa dating Pangulong GMA ay hindi raw impeachable!

Tama ka Madam Ombudsman, hindi nga ground for Impeachment ang closeness mo sa mga Arroyo pero maaari mo itong gamitin na ground sa iyong resignation upang mabigyan ng ‘malawak’ na daan ang itatatag na Truth Commission!

Ipakita mo kaya madam na makabayan ka, ba’t hindi ka mag-sacrifice alang-alang sa pagbabago? Ha?

anjo.pepito@yahoo.com
09287742409 / 09064369653

Target
ni June Briones

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.