Target: Pork Barrel at Masbate Mayor

UGAT NGA BA talaga ng korapsyon ‘yang PDAF (Priority Development Assistance Fund) ng mga kongresista?

Ang bawat kongresista kasi ay may alokasyong P70-M para sa PDAF.

Ang ibang matitinik at malakas sa administrasyon ay nado-doble depende sa pakikipag-usap sa DBM upang mapasa-kanya ‘yung para sana sa ilang “suwail” na kongresista!

Sa totoo lang, parekoy, may PDAF man o wala ay makapagnanakaw pa rin ang isang mambabatas – kung siya ay member ng Commission on Appointment o chairman ng committee na sumasaklaw sa isang Departamento.

Bakit, ‘ka mo? Heto…

Halimbawa, sa budget hearing para sa pondo ng Department of Agriculture (DA), kakausapin na ni Committee on Agriculture chairman si DA secretary.

“Mr. Secretary, ang budget ng departamento mo ay dadagdagan ko ng 100M basta ibigay mo sa projects ko ang 50M!!!

‘Yan parekoy ang tinatawag na “congressional insertion!”

At talamak ‘yan sa Kongreso!!!

Ang ilang member ng makapangyarihang Commission on Appointment ay mayroon namang “hitman.”

Sila parekoy ang lalapit sa opisyal na nakasalang for CA confirmation.

Kaya nga bago pa man ma-confirm si Secretary ay plantsado na ang usapan na magkakaroon ng alokasyon para sa ilang proyekto ni Congressman!

NI-RAILROAD, PAREKOY, ANG kumpirmasyon ng bagong City Information Officer ng Masbate City.

Noong July 7, agad na inaprubahan ng Konseho ng Masbate ang appointment ni Jojo Cortes bilang bagong CIO.

Saka na natin dadalirutin ang partisipasyon ng Konseho ng Masbate City.

Itanong muna natin kay Mayor Ates Tuason kung bakit isinalang agad niya sa “bagong” City Council ang appointment ni Cortes samantalang dati itong city councilor na ang termino ay noon lang Hunyo 30 nagtapos!

Mayor sinunod mo ba ang requirement ng batas tungkol sa “publication” na 15 days?

Gaano ba ka-lalim ang sikretong alam ni Cortes sa iyo at takot ka sa kanya?

Hindi ba alam ni Rowena?

anjo.pepito@yahoo.com – 09287742409 / 09064369653

Target
ni June Briones

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.