Target: Palayasin si Customs Comm. Alvarez!

DEGRADING NAMAN TALAGA ang “epekto” nitong naisip ni Commissioner Angelito Alvarez na solusyon umano sa matagal nang sakit sa Bureau of Customs na “pangungurakot!”

Kaya naman sang-ayon po tayo sa mga empleyado ng BOC sa kanilang hinanakit laban kay Alvarez noong ipinahayag nito na ipaaalis niya ang mga drawer sa mesa ng mga kawani at sa halip ay lalagyan ang mga ito ng camera.

Ang bagay na ito, ayon pa kay Alvarez ay upang matigil na ang “kurakot” sa Customs.

Matanong kita Ginoong Alvarez, hindi ba sa matataas na opisyal ng BOC nag-uugat ang “pangungurakot” d’yan?

Hindi mo ba alam na ang epekto niyang gagawin mo ay para bang pinalalabas mo na masama silang lahat at ikaw lang ang mabuti? Na para bagang “mandaraya” silang lahat at ikaw lang ang matino? Ha?

Kung ganu’n, sino ba Ginoong Alvarez ang may record ng pandaraya? Sila ba?

Sila ba ang sinuspindeng sumali sa isang sikat na golf competition? Sila ba ang kasabwat ng cuddy sa pandaraya sa record ng laro?

Kung sila nga ang mandaraya, aba eh, dapat lang na lagyan ng CCTV cam ang kanilang mga drawer at baka mandaya na naman sila riyan sa Customs!

Hindi lang ‘yon Ginoong Alvarez, dapat sibakin talaga sila at ‘wag nang papayagang pumasok sa bakuran ng BOC, dahil tiyak na gagawa na naman ng kabalbalan d’yan iyang mga tao na sa larong golf pa lamang ay mandaraya na! Sa pera pa kaya?

Hoy, kayong maliliit na empleyado riyan sa Customs na mga mandaraya… dapat lang na lumayas na kayo!

Mga hinayupak kayo, paano n’yo papaniwalain ang taumbayan na gagawa kayo ng mabuti riyan at hindi mandaraya, gayu’ng kahit sa larong “golf” pa nga lamang ay mandaraya na kayo?

Mga mandurugas!!!

Dapat si Commissioner Angelito Alvarez lang ang matira riyan dahil siya lang ang malinis…

At siya lang ang hindi mandaraya!!!

Oppps, sandali lang po Ginoong Angelito Alvarez, hindi ba’t ikaw ‘yong nahuli na nandaya sa larong golf?

Oo nga, ikaw nga!

Aba eh, ikaw naman pala ang salarin, kung sinu-sino pa ang napagagalitan ko!!!

Lintek, ‘yang drawer mo ang nilalagyan dapat ng CCTV camera!!!

At ikaw ang lumayas, hindi ‘yang mga empleyado!!!

anjo.pepito@yahoo.com

09287742409/ 09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.