Target: Pakikialam ng Catholic Church

PANAHON NA PARA suriin ng Simbahang Katoliko ang uri ng kanilang pakikialam hinggil sa pamamalakad ng ating pamahalaan.
Dahil nakaka-“two hits” na sila!
Sa isyu ng Jueteng.
Mariin ang kanilang pagtutol dito dahil nga iligal at imoral.
Ang tanong natin, parekoy, ano ang kaibahan ng Jueteng sa STL, Casino, Sweepstakes, Lotto, Karera at Bingo na lantarang ginagawa sa halos lahat ng SM Malls?
Kadalasan, mismong simbahan pa nga ang nagsasagawa ng mga “Bingo Sosyal” bilang bahagi ng kanilang fund-raising activities!
Hindi ba’t lahat ng ito ay pawang sugal?
Derpor, pare-pareho silang imoral!
Ang kaibahan lang ng mga binanggit natin, parekoy, dahil ang mga ito ay legal… samantalang ang Jueteng ay iligal.
Ibig sabihin, kung maging legal lamang ang Jueteng, wala na silang pinagkaiba sa mga sugal na nabanggit.
Pero tutol naman ang simabahan na i-legalize ang Jueteng! Bakit?
Kasi ang uri raw ng mananaya… “class” ang mga taong may kakayahang pumunta sa Casino, tumaya sa STL, Bingo Sosyal, Sweepstakes, Lotto, Karera at sa mga Bingo Station ng mga malls.
Hindi gaya ng mga pustadores ng Jueteng na halos kalimitan ay mga “timawa.”
Ipokrito ang Simbahan, parekoy! Dahil kung mayaman ay puwede kang magsugal at ang pobre ay bawal.
In short, imoral ang sugal sa mahihirap pero okay lang sa mayayaman! Pwe!
Ang tanong, may “napurdoy” na ba dahil sa Jueteng? Sa Casino, ilan na kaya?
Sa isyu ng RH (Reproductive Health) Bill.
Dahil sa pahayag ni P-Noy na sang-ayon siya sa “Responsible Parenthood”, mariin itong binatikos ng Simbahang Katoliko.
Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang RH Bill kung saan tinatalakay rito ang pagpaplano ng pamilya o ang pagiging responsableng magulang sa pamamagitan ng tinatawag na Birth Control.
Sa kanilang pagkontra, ibig lamang sabihin ay ayaw ng Simbahang Katoliko na “planuhin ang pamilya at maging responsable ang mga magulang”!!!
Ang nakikita ko rito, parekoy, kung nakaplano ang pamilya at responsable ang mga magulang, karamihan ay makapag-aaral at magiging maayos ang buhay.
Kung magkagayon… darami ang matatalino at mapagtuklas sa Biblia.
Kaya darami ang lilisan sa Katoliko!
Ang katuwiran naman dito ng Simbahan, ang utos ng Diyos kina Adan at Eba: “Humayo kayo at magpakarami.”
Susmaryosep, parekoy, iniutos ‘yan ng Diyos noong dalawa pa lang ang tao sa mundo…
Ilang bilyon na ba ngayon ang tao sa mundo? Magpakarami pa rin?
Ang payo ng Panginoong Hesukristo: “Ibigay kay Cesar ang kay Cesar at sa Diyos ang para sa Diyos.”
Meaning, magturo kayo ng para sa pananampalataya ninyo, pero sumunod kayo sa batas!!!
Ang solusyon dito, parekoy, pagbutihin na lang ng bawat kura paroko ang pagtuturo sa kanilang mga miyembro kung ano ang sa tingin nila ay iligal at imoral!
‘Yang kapipigil ninyo sa inyong mga pita ang dahilan kaya maraming Pari ang napapariwara at sumasabit sa “sexual abuses.”
Piryud!!!

jabriones10@yahoo.com
09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.