Target: Minaniobrang P.6-B ng Napocor at Pasakla ni Kapitan sa Malabon

P.6 BILYON NA halaga ng kontrata sa National Power Corp. (Napocor) ang minaniobra ni Napocor President Froilan A. Tampinco!

Base po ‘yan sa mga dokumentong nakalap ng inyong lingkod mula sa ilang Small Power Utility Group (SPUG) at mismong mga empleyado ng Napocor!

Ang halagang ‘yan, parekoy, ay may kaugnayan sa pag-upa ng Napocor ng Huge Modular Generating sets ng Aggreko International na ginamit sa mga lalawigan ng Mindoro, Palawan at Masbate.

Sa dokumento, Enero pa lamang noong 2009, sumulat na sa Napocor ang mga SPUG upang hilingin na magkaroon ng ‘public bidding’ dahil ang halagang sangkot ay napapaloob sa Procurement Act (RA 9184).

Sa hindi malaman kung “magkanong” dahilan, biglang ni- renew ni Tampinco noong Marso 10, 2009 ang kontrata ng Aggreko nang hindi man lang nagsagawa ng isang bidding!

Tangna naman, parekoy, sinong gago naman kaya ang maniniwala na malinis ang budhi ni Tampinco sa nasabing kontrata?

Ang kasuklam-suklam pa nito, parekoy, hanggang ngayon ay kapit-tuko pa rin ang hinayupak na Tampinco sa pagiging presidente ng Napocor gayu’ng maliwanag ang panawagan ni P-Noy sa kanyang SONA…

Na kung kayo ay may natitira pang hiya kahit kaunti, magsilayas na kayong mga demonyo kayo!!!

MISMONG SA DULO ng tungki ng ilong ni Malabon Chief of Police Roberto Villanueva ay nagpapasakla ang isang matikas na barangay captain ng Malabon City.

Kung hindi mo alam Col. Villanueva, uunahin ko munang targetin ang isang “malakasang” pasakla riyan mismo sa “open space” sa gilid ng tulay ng Lambingan Bridge, Gov. Pascual Ave. sakop ng Brgy. Catmon, boundary ng Brgy. Niugan.

Ang itinuturong may-ari ng nasabing “saklaan” ay isa umanong Brgy. Chairman Gary Palabod.

Ano ba ‘yan Chairman Palabod, ikaw ang itinuturo d’yan gayu’ng sa Brgy. San Rafael ka naman Kapitan!

Ang mabuti siguro niyan Kap. Palabod ay ikaw na mismo ang magturo kay Col. Villanueva kung saan banda ang saklaan na ‘yan upang hindi naman madawit ang pangalan mo!

Dito makikita, parekoy, kung gaano kaseryoso itong mga hepe ng ating kapulisan sa pagsugpo ng iligal na gawain sa kanilang mga lugar na nasasakupan!

jabriones10@yahoo.com

09287742409 / 09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.