Target: Mga Mali sa Hostage Crisis

HINDI PO TAYO dadalirot sa isyu ng “kung sino sa pulis at TV coverage” ang nagpaalab sa galit ni hostage taker S/Insp. Rolando Mendoza na naging sanhi ng madugong wakas ng suspek at mga biktimang foreigner.

Silipin na lang natin, parekoy, ang ‘tactics’ na ginamit ng SWAT!

Ano nga ba ang dapat nating pag-usapan tungkol sa “special seapons”? Ultimo nga pangwasak sa pintuan at bintana ng bus ay ang “maso” pa yata ng malapit na welding shop ang nahiram!

Bago isinagawa ang “assault” ay ilang oras din munang nagpraktis ang mga taga-SWAT sa tinatawag nilang CQB o close quarter battle. Pero nakita naman natin na ang kanilang mga armas na ginamit ay ordinaryong armalite rifle at ilang “baby armalite”.

Mga bossing, sa tinatawag na CQB, ang dapat na mga armas ay “infant armalite, uzi, sub machine gun, ingram o HK machine pistol.

Para madali ang pag-maniobra sa mga masikip na espasyo!

Tactics… kung ang layunin ng Ground Commander ng nasabing “hostage crisis” ay iligtas ang mga hostage, sa pasimula pa lang ng negosasyon ay nakapuwesto na dapat ang mga “sniper” para sa “slightest opportunity” ay tapusin na ang problema.

Pero nakita naman natin na kumaway-kaway pa si Mendoza… at open na open na ito! Hmmmmm…

Na para bang nagsasabing… Come on men, shoot me if you can!

Si Bangued Abra Deputy Chief of Police Bismark Mendoza na bunsong anak ng hostage taker ay nagpaabot na rin ng kanyang kahandaang pumunta sa Maynila kung susunduin siya ng “chopper” (30 minutos lang naman ang biyahe) para personal na makipag-usap o makipagnegosasyon sa kanyang tatay.

Mahalaga parekoy ang appearance ni P/Insp. Bismark Mendoza doon sa crime scene dahil kung papayagan ng ama at papasukin ito sa loob ng bus, sakali mang hindi makumbinsing sumuko ay maaari nang dumugin ng “bunso” ang ama para makapasok nang matiwasay ang SWAT upang walang mamatay sa rescue operation.

Halimbawa namang hindi papasukin ng ama sa loob, si Bismark ang pagigibain ng pintuan ng bus at susunod na lang sa kanya ang SWAT, sa palagay ninyo masisikmura bang barilin ng ama ang kanyang bunso?

Pero ang lahat ng ito ay hindi man lang sumagi sa utak ng Ground Commander… Bakit?

Para raw hindi mabigyang “dignidad” ang ginagawa ng isang sinibak na opisyal na gaya ni Captain Mendoza!

Ito, parekoy, ang ugat ng “domino effect of errors” dahil masyado nilang minaliit si Mendoza at ang ginawa nito, nakalimutan ng PNP top brass na hindi na kay Mendoza at sa kanyang demands nakatutok ang attention ng buong mundo… kundi sa kaligtasan ng mga hostage na pawang foreigner!

Tsk, tsk, tsk!

Jabriones10@yahoo.com
09321688735/ 09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Target: Mga Mali sa Hostage Crisis

  1. dig for the Root Cause : Ang Ombusdman.
    Bakit hindi ilagay sa online ang all pending cases ng Ombudsman, at least yong more than 8 years na inuupuan.

    • Yes, thats the main reason why medaled Captain Mendoza went to this evil action and gone berserk.

      Dapat imbestigahan ang Ombusdman.
      We dont want another bloody hostage taking…

      Only in the Philippines..

Leave a Reply

Your email address will not be published.