Target: Kurap sa Bilibid at SONA

PUPULBUSIN NA RAW NI Pangulong Noynoy Aquino ang lahat ng kurakot sa ating pamahalaan!

Naniniwala po tayo riyan parekoy, kaya nga tutulungan natin ang ating mahal na Pangulo sa pamamagitan ng pagpapaabot sa kanya ng mga kabulastugang ginagawa ng ilang kawani sa Bilibid.

At alam naman natin parekoy, na hindi papayagan ni DoJ Sec. Leila De Lima ang katarantaduhang ito sa loob mismo ng Medium Security Compound, Camp Sampaguita, Muntinlupa.

Kahit po magpaimbestiga kayo Madam, d’yan pa lang sa gate ng Medium Security Compound, malalaman n’yo na kung anong kalokohan ang isinusumbong laban kina Bernie Matignas at Edith Miranda na pawang namamahala sa IPX ng Medium Security Compound.

Ayon sa sumbong, ang lahat ng pagkain na dadalhin ng dalaw sa isang bilanggo ay hindi palulusutin kung hindi muna magbabayad ng ‘tong’ (tax kuno) kina Bernie Matignas at Edith Miranda!!!

Susmaryosep naman po Madam Sec. De Lima, hindi na nga naawa sa kawawang mga bilanggo, hindi pa nahiya sa kanilang mga sarili ang mga hinayupak na ito!!!

Kung hindi maparurusahan parekoy, sila ang “kalawang” na sisira sa magandang layunin nina P-Noy at DOJ Sec. Leila De Lima!

KAILANMAN AY HINDI natin ugaling maging “sipsip.”

Para sa atin, ang mali ay mali at ang tama ay tama.

‘Yan parekoy, ang dahilan kaya 5 taon sa buhay natin ang doon natin ginugol sa likod ng rehas na bakal!

Dahil lang sa mga kasong libel ay ginawa nating bahay-bakasyunan ‘yang Bilibid!

Kaya naman pupunahin lang natin sandali ang iba’t ibang patutsada na ibinabato kay P-Noy lalo na sa araw na ito kung saan magpapahayag ang Pangulo ng kanyang State Of the Nation Address.

Baka nakalimutan nating ilang araw pa lang si P-Noy sa poder ay gusto na agad nating lutasin niya ang kung

anu-anong problemang kina-sasadlakan ng ating bansa.

Aba eh, sa pagkakaalam ko po ay isang ordinaryong tao lang ang ating Pangulo.

At hindi siya superhero na gaya ni Superman!

Sa ganang akin, bakit hindi muna natin suportahan ang mga layunin ni P-Noy?

At pagkaraan ng sapat na panahon at hindi niya maipagkaloob ang mga serbisyo na kanyang ipinangako, saka na natin siya tuligsain!

BABALATAN PO NATIN ‘yang mga magnanakaw sa Bureau of Custom sa next issue.

anjo.pepito@yahoo.com
09287742409/ 09064369653

Target
ni June Briones

loading...

One thought on “Target: Kurap sa Bilibid at SONA

  1. cge magpulbos ka ng todo, P-AbNoy. kapag nagawa mo yan, lahat ng pinoy napulbos mo na, e wala ng matirang pinoy. kc lahat jan corrupt!

Leave a Reply

Your email address will not be published.