Target: Kapalpakan ni Gutierrez!

SA MALAWAK NA pananaw, si Ombudsman Merceditas Gutierrez ang dapat managot sa lahat ng kaguluhang umuuga ngayon sa ating bansa bunga ng naganap na hostage-drama sa Luneta na humantong sa kamatayan ng walong dayuhan at ni Jose Rizal… ehek! …ni S/Insp. Rolando Mendoza pala.

Sa totoo lang, parekoy, ang lahat ng kademonyohang ito ay hindi sana naganap kung hindi naramdaman ni Mendoza na talagang inapi siya ni Gutierrez!

Unang kapalpakan ng Ombudsman: Ang batas na nagbibigay-karapatan sa bawat akusado/convict na magsampa ng Motion for Reconsideration at/o Appeal upang i-contest ang anumang desisyon laban sa kanila ay binalasubas ni Gutierrez!

Matatandaang sa kabila ng hindi pa nareresolbang “motion for reconsideration” ni Mendoza laban sa desisyon ni Gutierrez, ipinatupad pa rin ito ng Ombudsman sa pamamagitan ng pagsibak kay Mendoza.

Dahil sa katuwirang may Memorandum Circular na inisyu noon si Gutierrez na kahit may M.R. ay maaari nang ipatupad ang anumang desisyon ng Ombudsman!

Hindi ‘yan batas!!! ‘Tang’na naman, parekoy, memo lang ‘yan ni Gutierrez! Hindi ‘yan dapat mas mataas pa sa batas!

Sa totoo lang, parekoy, kahit bagitong abogado lang ang bumitbit ng isyu sa Supreme Court at kontrahin ‘yang “memo” ni Gutierrez, naniniwala tayo na titimbuwang na ‘yan.

Dahil ginagarantiyahan ng ating mga batas na ang anumang hatol sa nasasakdal ay hindi pa magiging “final and executory” hanggat hindi pa nareresolba ang anumang hakbang nito na kumukontra sa desisyon.

Gaya ng isinampang Motion for Reconsideration o Appeal!

Ibig sabihin, dahil may M.R. pa laban doon sa hatol nila, bakit nga naman sinibak na agad si Mendoza?

Heto pa ang mas masakit, parekoy, kung bakit naniniwala tayo na talagang tadtad ng “kabobohan” itong si Gutierrez.

Hindi maitatanggi ng Ombudsman, alam na alam nila na bandang alas-9 ng gabi noong Agosto 23 ay idineklarang patay na si Mendoza – ang taong may pending na Motion for Reconsideration sa kanilang tanggapan.

Ilang araw makaraan ang pangyayari, sinelyuhan ng Ombudsman ang kanilang “hatol” laban kay Mendoza sa pamamagitan ng pagdi-dismiss sa M.R. nito.

Maliwanag, parekoy, na kung buhay pa si Mendoza ay may karapatan pa ito ayon sa ating mga batas na kuwestyunin ang nasabing hatol sa pamamagitan ng pagsampa ng Apela sa Court of Appeals.

Pero paano pa nga niya ito magagawa dahil alam ng buong mundo na patay na si Mendoza!

Ang tanong natin kay Gutierrez, saang batas ng Pilipinas mo isinandal ang iyong hakbang Ginang Ombudsman na maaari mong hatulan ang isang tao na alam mong patay na? Ha?

Ang inaamag kong “law book” ngayon, parekoy, tiyak na susunugin ko kung may maipakita lang si Gutierrez na batas na maaari mong hatulan sa “criminal case” ang isang patay!

Dahil paano pa madadala sa Court of Appeals at Supreme Court ang iyong desisyon kung ang iyong hinatulan ay alam mo talagang patay na!!!

Namputsa naman, oo! Pati tuloy ang misis ko na 2nd year pa lamang sa Law ay sumakit ang ulo sa kaiisip dahil tandang-tanda raw niya ang turo noong 1st year pa lamang sila na ang patay na ay hindi na maaaring hatulan sa kasong kriminal.

Hindi natin pinakikialaman, parekoy, ang “civil case” dahil kahit patay na ang isang tao ay maaari pang ilitin ang kanyang ari-arian para ma-satisfy ang kanyang naagrabyado… ang usapin dito ay criminal case!

Whew, kaya ayoko pang mag-take ng Bar… baka ‘pag pumasa tayo, itong kabobohan ni Gutierrez ang una nating madalirot…. Pwe!!!

jabriones10@yahoo.com
09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.