Target: Excommunicated ang Simbahan

TOUCH ME NOT!!!
“Noli Me Tangere”… huwag mo akong salingin!!!
Mula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa ating bansa ay nagpakita na ng kademonyohan ang mga ito.
Minaltrato ng mga hayop na “Katsila” ang mga Pinoy at pinagsamantalahan o ginahasa ang ating kababaihan.
Maging ang mga manggagawa sa loob ng simbahan ay hindi nakaligtas sa mga “manyak” na kauri ni Padre Damaso.”
Ang masakit, parekoy, sa paglipas ng panahon ay napakaraming “kalansay” ng mga sanggol ang nadiskubreng nakalibing sa mga itinagong libingan sa ilang parte na sakop ng simbahan.
Ibig sabihin, ang mga kauri ni Damaso noon ay hindi lang mga manyakis…
Kundi mga utak din ng abortion!!!
Pero, take note! Hindi sila in-excommunicate ng Simbahan! Gaya ng napakaraming pari ng Simbahang Katoliko na napaulat na nanggahasa at/ o lumapastangan sa dangal ng napakaraming kababaihan.
Tangna sila, parekoy, hindi man lang na-excommunicate ang mga manyakis na ito na nananalaytay pa sa kanilang dugo ang kamandag ni Padre Damaso!!!
Pero ang kawawang Pangulo ng bansang ito ay nanganganib mai-excommunicate.
Dahil lang sa kanyang pagnanasa na maging responsable ang mga magulang na Pilipino.
‘Yan, parekoy, ang tunay na dahilan ng pagbabanta ng mga kauri ng demonyong Damaso laban sa Pangulo.
Dahil po nagpahayag si P-Noy na sang-ayon siya sa responsible parenthood na napapaloob sa Reproductive Health Bill na nakabinbin ngayon sa Kongreso.
Ang ibig mangyari nitong mga kauri ng hayop na Damaso ay maging iresponsable ang ating Pangulo!
Dahil kung iresponsable nga naman ang Pangulo, magiging “timawa” at illiterate ang mga mamamayan.
Kung magkagayon, muli na namang mamamayagpag si Padre Damaso!!!
Manggagahasa, manlalait, mamemerhuwisyo, mananamantala at maghahasik ng kademonyuhan dito sa ‘Pinas ang mga kauri ng animal na Damaso!
“Noli Me Tangere” – maliwanag, parekoy, na ito ang babala ngayon ng Simbahang Katoliko sa bawat isa.
Maging Pangulo ka man ng bansa o isang tourist guide sa Intramuros.
Lalo na kung ordinaryong Sisa, Crispin at Basilio ka lang…
Huwag mong sasalingin ang “stand” ng simbahang kinaaaniban ng hayop na Padre Damaso.
‘Pag ginawa mo ito, kung ikaw ay Pangulo, tiyak mai-excommunicate ka!!!
Kung ikaw naman si Carlos Celdran, kakasuhan ka at ipakukulong!!!
Walang pakialam ang animal na Padre Damaso kung ang layunin mo man ay para sa responsible parenthood.
O kaya ay nagpapahayag ka lamang ng iyong saloobin pabor o laban sa RH Bill.
Ang mahalaga… “Noli Me Tangere”!!!
Ang importante… “Huwag Mo Akong Salingin”!!!
Tangna, parekoy, mula ngayon at hanggang kamatayan, idinideklara ko ito…
“Excommunicated” na sa akin ‘yang Simbahang Katoliko!!!
At ang demonyong si Padre Damaso!!!

jabriones10@yahoo.com
cp no. 09152121303

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.