Target: Demotion kay Amiral Angue?

EMOTION ANG PROBLEMA ni Navy Rear Admiral Feliciano Angue at hindi ang sinasabi niyang demotion daw.

Saang anggulo ko man suriin, parekoy, hindi ko masilip ang “justification” ni Rear Admiral Angue.

Ang kanyang military rank ay 2-Star General at nakatakda siyang ilipat sa isang posisyon na ang “required rank” ay 2-Star General!

Asan d’yan ang demotion?

Ahhh… ang katuwiran kasi ni Angue, ang kinalalagyan n’yang posisyon bago naganap ang “lipatan” ay angkop para sa isang 3-Star General…

Kaya kung baklasin man siya, roon dapat ilipat sa posisyon na angkop din sa 3-Star General!

Dapat siguro, parekoy, dito kay Angue ay noon pa siya umangal kung ba’t doon siya inilagay sa posisyon na para sa 3-Star General dahil siya ay 2-Star pa lamang!

At kaya hindi ka umangal noon Adm. Angue, dahil pabor sa iyo ang nangyari? Nakakalamang ka, ‘ika nga, ganun?

Pero ngayong inilagay ka sa puwestong angkop lang sa ranggo mo ay ayaw mo na? Sa madaling salita, ayaw mong ilagay ka sa parehas, ganu’n ba?

Isipin mo na lang Adm. Angue na ‘yung posisyon na ibinigay sa iyo noon na mas mataas kesa rango mo ay “bonus lang.”

At hindi magandang tingnan sa isang heneral na parang batang paslit na naglulupasay kapag binawi ang bonus.

Malay mo bigyan ka nila sa Pasko! He-he-he…

In short, Admiral Angue, ang problema mo ay hindi ‘yang sinasabi mong “demotion” kundi naramdaman mo na para bagang naging “zero visibility” ang kapaligiran para sa iyong promotion!

Kung ganu’n, Gen. Angue, isantabi mo na muna ang isyu ng promotion… pigilan lang ang emotion… at huwag nang gumawa ng commotion… tungkol sa sinasabi mong demotion!

Payong kaibigan din, Gen. Angue, bagama’t ni hindi pa nga kita kilala (at ‘di ko na rin pinangarap pa na makilala ka)… sa isang digmaan, kahit nga sa “game of the generals,” laging dehado ang taong hindi marunong magtago ng kanyang emosyon!

Kaya nga ang TARGET ko sa iyo, huwag mong masyadong ibuyangyang ‘yang iyong emosyon na para bang nakahanda ka lagi sa isang masalimuot na labanan…

Maliban lang kung kaya mong pangatawanan ‘yan…

Sulong, nag-iisang kapatid! Bwar-har-har!!!

Jabriones10@yahoo.com
09321688735/ 09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.