Target: Ang Konseho ng Pasay at si Sandra Cam

POSIBLENG HINDI PA rin napagtatanto ng isang show promoter ang kanyang kamalian kung bakit hindi nabigyan o inantala ang approval ng hinihingi niyang permiso para sa gaganaping concert sa Pasay City.

Ayon kay Pelita Uy, nakatakda sanang gumawa ng concert sina Ogie Alcasid at Ryan Cayabyab sa PICC sa darating na Oktubre 8.

Ang siste, ginisa lang siya nang husto sa Konseho ng Pasay ngunit hindi pa rin niya makuha ang tinatarget na permiso ng Pamahalaang Pasay.

Kung sila ay pinahihirapan umano ng Pasay City Council, kabaligtaran naman ang nangyari sa Adam Lambert concert na gaganapin sa Mall of Asia sa darating na Oktubre 10 kung saan walang kagatul-gatol itong inaprubahan!

Alam mo na ba Ms. Uy ang dahilan?

‘Wag mo na kasing isipin ‘yang mga isyu tungkol sa OPM… kundi heto ang tunay na dahilan kaya nahihirapan kayong kumuha sa Pasay City ng permiso para sa inyong show…

Ang tunay na dahilan Ms. Uy, kasi naman ang inyong show na gagawin ay tungkol sa “kantahan,” when in fact ang show na “in-na-in” sa Pasay ay tungkol sa “totnakan”. Piryud!!!

Ano ang masasabi mo Vice Mayor Marlon Pesebre?

HALOS BUONG MAGHAPON noong Linggo ay kasama natin itong si Ms. Sandra Martinez Cam.

Ang isa sa mga tumestigo noon sa Senado kaugnay sa eskandalo ng Jueteng dito sa Pilipinas.

Malapit na kaibigan natin si Sandra mula pa noong 1998 nang tumakbo tayong Vice Governor sa isang lalawigan at siya naman bilang Kongresista.

Noong araw, parekoy, habang tayo ay tinaguriang “suicide na radio commentator” sa nasabing probinsiya, si Cam naman ay itinuturing na “babaeng may bayag” dahil nga sa tapang nito na minana yata mula kay Gabriela Silang!!!

Kaya nga payo natin kay PNP Chief General Bacalzo, kung hindi rin lang “extreme” na pangangailangan ay huwag nang pumik-ap ng away laban sa babaeng ito…. Dahil tinitiyak ko, parekoy, na may mararating sila!!!

Isa pa, kahit i-review mo, General Bacalzo, ang interview kay Cam, wala siyang sinasabing tumanggap ka ng pera galing sa Jueteng.

Maliwanag ang sabi ni Sandra Cam na, “natatandaan ko ‘yang pangalan ni General Bacalzo na binanggit noon ng isang testigo sa Jueteng investigation ng Senado.

Ibig sabihin, hindi si Cam ang bumanggit sa pangalan mo kaugnay sa Jueteng…. At hindi ka pa naman PNP Chief noon.

Kaya okay lang na tumanggap ka, ehek!!!

Tumpak din, parekoy, si Cam sa kanyang desisyon na hindi na sisipot sa Senado sakali mang magkaroon uli ng panibagong Jueteng investigation.

Aba eh, dumanas nga naman ng katakut-takot na kahirapan at panganib ang buhay nilang mga Senate witnesses… ano ba ang napala nila?

Ningning (palayaw ni Cam)… uulit ka pa ba? Magtanim na lang tayo ng kamote!

jabriones10@yahoo.com

09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.