Target: Ang Diskarte ni VK King Recto at ang Panloloko ng Sysco Corporation

WALANGHIYA RIN NAMAN ang palusot nitong hepe ng management services ng Sysco Corp. tungkol sa isyu ng house and lot na binili ni Ms. Lualhati Oropesa sa Florida Villa, Marilao, Bulacan kung saan ang Sysco Corp. ang developer.

Ayon kay Oropesa, 2008 pa n’ya ibinigay ang full payment na P1.3M halaga ng nasabing house and lot, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinibigay ng Sysco Corp. ang “original documents” gaya ng titulo o TCT.

Inamin mismo ni Sysco management services head Erwin Oligario sa kolumnistang ito na kaya hindi nila naibibigay sa mga gaya nina Oropesa ang mga dokumento dahil nasa banko pa ang mga ito bilang “collateral” sa “loan” o utang ng Sysco Corp. mula sa isang bangko.

Ang masakit, hindi makapagbigay ang Sysco Corp. ng tiyak na petsa kung kelan nila maibibigay ang mga dokumentong ito dahil ayaw pa raw ibigay ng banko.

Aba eh, tarantado pala itong mga hinayupak na ito. . .

Una, kung nakasanla na sa banko bago n’yo pa ibinenta sa mga tao ‘yang property na iyan, siraulo lang ang developer na gumagawa ng ganyan!

Paano kung hindi ninyo matubos? Paano naman ang mga bumili?

Panloloko ‘yan!

Pangalawa, Kung ang mga property na ‘yan ay isinanla ninyo habang hinuhulugan na ng mga nakabili, aba eh, lalong bawal naman ‘yan dahil simula pa lamang nang maghulog ang mga buyer ay may karapatan na sila bilang mga may-ari!

At hindi ayon sa batas na isinanla ninyo ‘yan nang walang pahintulot o lagda ang mga nakabili!

Ngayon pa lang, binabalaan ko na kayong mga taga-Sysco Corp. na gawan ninyo ng paraan na maibigay sa mga nakabili ang mga dokumentong ‘yan.

‘Wag na ninyong hintayin pa ang kasong “syndicated estafa” dahil walang piyansa!

Elements of fraud and deceit are very much clear in this transaction!

MUKHANG HINDI KAYA ng mga pulis ang operasyon ng mga video karera sa Valenzuela City.

Ang mga makina ng VK na makikita ninyong nagkalat sa bawat mataong sulok ng Valenzuela ay pag-aari ni RR.

Bilib din naman tayo, parekoy, sa diskarte nitong si Rey Recto. Aba’y hindi lang pala siya basta namayagpag noong panahon ni GMA…

Yumabong pa nang husto!

Patalbos nga! Ehek!

P’wera biro, parekoy, ang mga pipitsuging parak sa Valenzuela ay hindi kayang galawin ang mga makina ni RR… dahil takot!

Ang mga opisyal naman ay hindi rin kayang ipatigil ang operasyon ni RR… dahil busog! Hak-hak-hak!

Jabriones10@yahoo.com

09997286972 / 09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.