Target: “Island Cove” at Lim-Atienza Ng Maynila

INIMBITAHAN TAYO NI Malou Samaco, ang Executive Asst. Manager ng “Island Cove” resort sa Binakayan Cavite, kaugnay sa nauna nating karanasan noong nakaraang linggo.

Para maipakita ang buong kagandahan ng “Island Cove” ay inilibre nila tayo, parekoy, sa anumang bayarin maliban sa pagkain kung saan ang “malaking discount” ay ini-arrange ni Malou.

In fairness, reasonable po ang presyo at talaga namang masarap ang kanilang mga pagkain. O talagang matakaw lang ako? Ehek!!!

Inikot din po tayo sa kanilang “animal island” upang ipamalas ang mga hayop doon na hindi man lang natin nasisilayan sa ibang zoo gaya ng Malabon Zoo.

Madam Malou, sa aking isipan ay naituwid n’yo na po ang ilang bagay, lalo na ang napakagaling sa PR ng ginawa mong “guide” habang kami ay nasa loob ng “island cove.”

Si Rick Martin po ang tinutukoy natin, ang kanilang Security Manager na talaga namang ginawa ang lahat upang maaliw tayo.

Nakita na rin po natin ang hinahanap natin noon na mga “life guard” sa kanilang ocenia, matter of fact tatlo sila!

Malou, ang mahigit tatlong libo (hard earned) na ginastos ko noong Sabado ay natural lang dahil talaga namang nasiyahan kami, higit sa lahat, upang mapatunayan sa inyo kung gaano ka-responsable ang aming pahayagan.

Na handa kaming gumastos upang muling madalaw ang “island cove” para maisulat lang ang inyong panig!

Yaong naaayon sa aming personal na karanasan sa inyong lugar!

Maraming salamat din po sa pamilya Remulla sa pagiging sensitibo sa mga isyung may kinalalaman sa “public safety”!

WALA TAYONG ALAM o pakialam kina Mayor Alfredo Lim at ang tinalo nitong si Lito Atienza, pero unti-unti ay may nasisilip tayo sa kaganapan sa Maynila.

Ayon sa isang dating opisyal ng WPD, ang hostage-taker na si S/Insp. Rolando Mendoza ay dati palang “alaga” ni Atienza noong ito pa ang alkalde ng Maynila.

At sa panahon ni Atienza ay 15-30 lang umano ito kung sumipot sa Headquarters dahil may “special assignment” ito sa Binondo, ehem…

Na itong si Mendoza at ang ilan pang “peborit” noon ni Atienza ay ini-recall lahat ni Gen. Bulaong noong umupo itong WPD Director.

Sa madaling salita, isa itong si Mendoza sa mga “peborit” na kaututang-dila ni Atienza.

Hindi naman tayo naniniwala, parekoy, na kayang sulsulan ni Atienza ang kanyang “peborit” na si Mendoza dahil gagong pulis siya kung sakaling mapapaniwala na… “gawin mo ang ganito para mabigyang-pansin ang naganap sa iyo, tutal madali namang i-arrange ang iyong surrender kung sakali… kesa naman sibak ka na talaga…”

Wasak pa ang imahen ni Lim! Ehek!

Ewan ko, parekoy… maraming bagay sa Maynila na sina Lim at Atienza lang ang nakaaalam… lalo na kung sila’y magsisiraan, palibhasa parehong malalim!

At parehong tuso!!!

jabriones10@yahoo.com
cp no. 09064369653

Target
ni June Briones

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.