Target: ‘Yang Tulong ng Gobyerno

4P’S ANG TAWAG ng pamahalaan sa kanilang proyekto na nagsimula noon pang panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito, parekoy, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) na ang tema ay nagbibigay ng buwanang “financial assistance” sa kung tawagin nila ay naghihikahos na pamilyang Pilipino.

Sa ngayon ay ipinagpapatuloy ito ng pamahalaan ni P-Noy sa tulong na rin ng bago nitong pondo na umaabot ng ilang bilyong piso.

Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, ang bilang ng “recipients” ay aabot na sa isang milyong pamilya bago matapos ang taong ito.

Sa positibong pananaw, malaking tulong ang nasabing proyekto hindi lamang sa kaginhawaang naidudulot ng perang natatanggap ng “naghihikahos,” kundi dahil naoobliga na rin ang mga magulang na sundin ang mga kundisyon gaya ng

kailangang papag-aralin ng “4P’s recipients” ang kanilang mga anak, regular na magpakonsulta sa barangay health center ang bawat kasapi na buntis, at iba pang alituntunin.

Sa negatibong pananaw, ang nasabing programa ay lalo lamang idinidiin sa kahirapan ang bawat kasapi dahil sa halip na turuan sila na maging masipag o produktibo ay nagiging tamad lalo, tutal may dumarating naman buwan-buwan mula sa pamahalaan kaya magto-tong-its na lang muna.

Sa isang lohika, turuan mo ang tao na mangisda at hindi ‘yong tinuturuan mo silang maghintay lagi sa ibinibigay na isda.

Kung nais naman ng pamahalaan na umayuda… bakit hindi na lamang nila turuan ng makabagong teknolohiya at pagkalooban ng “assistance” ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapautang ng makabagong mga kagamitan o puhunan sa kanilang hanapbuhay?

Anuman ang posisyon ng pamahalaan sa isyung ito, ibibigay natin ang ilang obserbasyon sa totoong nagaganap sa “field” upang makatulong sa kanilang paglimbag ng estratehiya para maging epektibo ang kanilang pagpapatupad nito.

Ang katotohanan!!! Maraming 4P’s beneficiaries na hindi naman talaga mahihirap…  at ‘yung karamihan sa tunay na naghihikahos ay hindi naging kasapi sa programang ito.

Patunay? Isa lamang si Annie Cabarles Bajande sa maraming “teacher” at may matatag na hanapbuhay ang asawa sa naging 4P’s recipient!

Ang dahilan? Siya ay pinsan ng Mayor sa kanilang lugar! Sec. Dinky Soliman, kahit alamin mo sa record ng DepEd at 4P’s, sigurado ‘yan!

Heto pa, karamihan sa mga 4P’s beneficiaries ay nakasanla na ang kanilang tatanggaping pera sa mas mababang halaga!

Ilang far-flung barangays sa Kabisayaan ang ginagawang “milking cow” ng barangay captain ang 4P’s beneficiaries sa pamamagitan ng pagpu-provide ng kanilang sasakyan tungo sa town proper para kumuha ng pera… at sa pag-uwi ay saka na kukolektahin ang “mataas na transportation share” daw!

Last but not the least… ginagamit ng maraming pulitiko sa mga probinsiya ang isyu ng programang ito, na kesyo ang sinumang susuway sa kagustuhan nila ay gagawan ng paraan na maalis sa listahan!

Kung gusto mo po, Secretary Soliman, pasamahan mo ako sa mga tauhan mo at ihahatid ko sila sa mismong pintuan ng mga taong binanggit ko!!!

jabriones10@yahoo.com
cp no. 09064369653

Target
ni June Briones

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.