Tapyas sa income tax, tinatrabaho na

NAGSANIB-PUWERSA NA ang mga mambabatas sa Kamara para makabuo ng panukalang batas na ta-tapyas sa income tax ng bawat indibidwal at mga korporasyon.

Kinumpirma ito ni House committee on ways and means Chairman at Marikina Rep. Miro Quimbo.

Sinabi ng mambabatas na kasalukuyan nang tinatrabaho ng kanyang komite ang pag-draft ng bill sa reduction ng income taxes.

Inihayag ng solon na kumikilos na ang komite katuwang ang National Tax Research Center (NTRC) sa pag¬hulma ng panukala na ihahain sa pakikipag-ugnayan kay Sen. Juan Edgardo Angara, chairman ng Senate committee on ways and means.

“We’ve been working on this the last three weeks with the NTRC. This bill will be the mother bill to be taken up. It is being filed in coordination with the chair of the Senate’s committee on ways and means, Sen. Sonny Angara,” pahayag ni Quimbo.

Pinapasapinal na rin aniya ng Technical Working Group (TWG) ng House committee on ways and means ang akmang halagang tatapyasin sa income tax.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.