Tapos na raw ang isyu sa kanila Ruffa Gutierrez, ayaw nang pag-usapan pa si John Lloyd Cruz? – Archie de Calma

MATAGAL PALANG HINDI nag-usap sina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi. Hindi maamin ni Zoren ang bitterness niya sa pagkaka-dump ni Ruffa sa kanya noon na nag-lead sa kanilang break-up. Hanggang magkasama na lang sila sa isang teleserye sa GMA-7 (Habang Kapiling Ka, sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes) at doon natapos ang sinasabing gap nila.

“That was before I got married (kay Yilmaz Bektas),” sabi pa ni Ruffa. “Natapos na lang nang ganoon. We closed the past, and we got to talk about what happened. Kaya rito sa Shake, Rattle & Roll XI, magkapareha kami uli, walang tensiyon, wala nang problema.”

Ang wish lang ni Ruffa sa kanyang lovelife this Christmas, maisara niya ang kanyang past. Para makapag-move on na siya nang todo-todo.

“Hindi pa ako ready for a commitment. I’m happy being single. With everything I’ve gone through with life, dapat sigurong isipin ko, kailangan ko na talagang mag-ingat,” makahulugang sabi pa ni Ruffa.

Ayaw na raw masaktan muli ni Ruffa, at sa kabila ng pagdagsa ng admirers at nagsisipag-text sa kanya, naroroon pa rin ang kilig sa kanya.

“Hindi naman ako bato. Masarap ‘yung kinikilig ka pa rin kapag alam mong may mga nanliligaw sa ‘yo. Lalo na kung cute, pero hanggang doon na lang,” patuloy pa ni Ruffa.

Mailalarawan ni Ruffa ang sarili na parang wine, nagme-mellow through the years, at lalong sumasarap.

“I just take care of myself,” natatawang sabi pa niya. “Bata pa lang ako, inaalagaan ko na ang sarili ko. I stay away from the sun. Clean and healthy lifestyle ang sinusunod ko lang ever since.”

She just remains positive, kasi, naniniwala siyang importante ‘yun. Kailangan daw mapatawad na ang mga taong nakasakit sa kanya sa nakaraan.

“Once natuto ka nang mag-forgive, mawawalan ka na ng angst sa buhay mo,” sabi pa niya. “Happy ka lang dapat. Magre-reflect sa ‘yo ‘yun. Ayokong mangunsumi. Happy and contented naman ako with my life.”

Sa 2010, very positive ang nakikita ni Ruffa. Marami siyang projects, kasama na ang Working Girls 2010  para sa Viva.

“About strong women talaga ang project na ‘yun, kaya excited ako,” banggit pa niya.

“More work sa TV, happy naman ako with my two children (Lorin and Venice). They give me lots of joy. Kagagaling ko lang sa isang party kagabi, at pag-uwi ko sa bahay, katabi ko na ang kids ko. ‘Yun lang at napakasaya ko na,” dugtong pa niya.

Ang isa sa mga kaibigan niyang unang binigyan niya ng regalo sa Pasko ay si Zoren. Binigyan niya ito ng lechon. Sumunod ay si Carmina Villaroel na siyang partner ni Zoren in real life.

How about John Lloyd Cruz na once na na-link sa kanya? Ano naman ang matatanggap nito from her this Christmas? “Naku, huwag nang i-open up ang mga isyung tapos na!” At natawa na lang si Ruffa.

Wala bang posibilidad na magkasama man lang sila ni Lloydie sa isang project sa susunod na taon?

“Sa mga lalaking gusto kong makasama, parang isa pa lang ang matutuloy, si Piolo Pascual,” aniya pa. “May project kami together. Pero, hindi siya movie. Endorsement siya. Hindi pa puwedeng sabihin, kasi, by January pa ‘yun. We had na a pictorial for that.

“Pero, wala kaming nakaraan ni Piolo. We’re just good friends.”

Hindi man lang sila magkikita ni Lloydie this Christmas?

“Hay, naku, family ko ang kasama ko this Christmas,” tili ni Ruffa.

Halata namang pa-tweetums si Ruffa kapag nababanggit si Lloydi. Pero, ang gusto lang daw niya, mag-focus siya sa career niya.

“Masaya naman ako, nariyan ang mga anak ko, enough na ‘yun,” sabi pa niya. “Kung may inspirasyon man, plus factor na lang ‘yun. May mga nagte-text, pero hindi naman serious.

“Secret. Hindi naman siya masyadong cute. Slight lang. Pero, ang importante, happy ako sa sarili ko,” banggit na lang ni Ruffa.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

8 thoughts on “Tapos na raw ang isyu sa kanila Ruffa Gutierrez, ayaw nang pag-usapan pa si John Lloyd Cruz? – Archie de Calma

  1. ako sa yo hnap ka nlng mas mtanda sa yo na kyang supportahan mga anak mo at kukuha ka lng bta mging partner sa buhay mo ay iiwanan ka lng o ipukipk lng sa ulo mo. BE MATURED NA.

  2. BUWA KA NI ANABEL BISAYA!!!

    TANTANAN KAMI, ANG TANDA MO NA’T ANG LANSA KUMEKERENGKENG KA PA..

    PUHLEEEEEEEEEEEEZ RUFFITA KASHIWAHARA
    MAGTIGIL TIGIL KA SA PAGIGING PA TWEETUMS MO!!

    PAKI ESKOBA LANG NG PEKPEK MONG KALAWANGIN BAKA SAKALING MAGING GINTO!

    PWE!

  3. tulad ni Ruffa, linoko nya si Ylmas na magpakasal ng dahil sa pera, alam mo naman ang ina na mukhang pera at yung mga binabayarang reporter daw ayun pinabango. di ba hangang ngayon ay di pa annul ang kasal nyan sa USA.

    Wag kalilimutan ang ginawang scam nila ni lolit harbat. makakpal talaga.

  4. ganyan talaga pag SIKAT laging iniintriga..
    ang problema wala namang ebidensya..
    mamatay kayo sa inggit mga kapusong NOBODY :p lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.