Tapos na raw ang isyu nila ni Marian Rivera
Heart Evangelista, type pa ring maging leading man si Dingdong Dantes

NA-RENEW ANG kontrata ni Heart Evangelista sa GMA- kaya tuloy pa rin ang pagiging Kapuso niya at mas maraming programa raw siyang gagawin.

In fairness, maganda ang feedback sa tandem nila ni Chris Tiu sa Wattajob, kaya nagkaroon na ng followers ang kanilang love team.

Natatawa na nga si Heart dahil nagkaroon daw sila agad ng loveteam na matagal nang nawala sa kanya.

Dinig ko nga, magkakaroon ng programa ang dalawa, dahil meron daw talagang kilig ang tandem nilang dalawa.

Doon sa contract-signing nito kamakailan lang, tinanong ito kung sino pa ang gusto niyang makapareha sa mga Kapuso leading men.

Si Dingdong Dantes ang isinagot niya. Kaya nu’ng tinanong ang aktor sa presscon ng Pahiram ng Sandali, sinagot naman ito ng aktor na walang problema sa kanya.

Matagal nang tapos ang isyu nina Heart at Marian Rivera, at wala naman problema kay Dingdong kung makakapareha nito si Heart.

Pero tingin ko si Chris muna ang makakasama niya dahil nagri-rate ang programang pinagsasamahan nila.

Tinanong na rin pala doon si Heart kung totoong may proposal na sa kanya si Sen. Chiz Escudero, diretsahan niyang sinagot na wala talaga, at hindi pa siya engaged sa ngayon.

 

MAGBABAKASYON DAW sina Dingdong at Marian pagkatapos ng Holy Week dahil tapos na rin ang taping niyan ni Marian sa Temptation of Wife.

Mauunang matapos ang Pahiram ng Sandali kaya hintayin muna niyang matapos si Marian para sabay na silang magbakasyon.

Si Lorna Tolentino ay itutuloy rin ang bakasyon niya dahil sobrang napagod nga ito sa taping ng soap na ‘yun.

Kasi naman iyak nang iyak ito sa Pahiram, kaya kailangan daw niya talaga ng bakasyon.

Pagkatapos niyang magpa-stem cell uli, baka mag-Hong Kong daw siya o Bangkok at saka sa Boracay.

Pero alam n’yo kahit parang naubos na ang luha nito sa kaiiyak sa Pahiram, hindi pa rin niya napigilang maiyak na naman nu’ng bago ang birthday ni Rudy Fernandez nu’ng nakaraang Linggo.

Kasi naman inayos niya ang cabinet ng mga damit nila sa kuwarto nito, kaya tinanggal muna nito ang mga damit at gamit ni Rudy.

Pansamantalang tinago muna niya ito sa balikbayan box at nilagay sa kanilang den.

Pero parang fresh na naman sa kanya nu’ng pumanaw si Daboy. Kaya kahit halos limang taon nang namayapa si Rudy, hindi pa rin niya ito nakakalimutan. Kaya hindi raw niya alam kung paano talaga mag-move on at mag-let go sa pagpanaw ni Daboy.

Nu’ng Linggo ay nagpamisa lang si Lorna sa puntod ni Rudy at nagkaroon lang daw ng meryenda sa coffee shop ng Heritage Memorial Park.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Tapos na raw ang isyu nila ni Marian Rivera
Heart Evangelista, type pa ring maging leading man si Dingdong Dantes

  1. Ms. Evangelista and Ms. Rivera have the same acting technique, lots of hysterical crying, sobbing  with lots of tears but no depth. Ms. Heart at times likes to sound like a child, probably thinks that she is at home with her family while baby talking her. But not to brown nose them I think they are 2 of the most prettiest in Philippine showbiz, I mean beautiful faces, but sadly both acting capacities can not be comparable to most of the female talents of Kapamilya brood. Maybe they should attend more acting workshops,  not because one got an award is a confirmation that they are the best or good, awarding giving can be so subjective for whatever reasons the judges may have. 

  2. ang masasabi ko lang sinasamantal ni heart dahil hindi sya takot dahil may senador sya kay matatakot si marian tingnan natin kung saan ang tungo mo hack

Leave a Reply

Your email address will not be published.