Tapos na ang tambalang Dingdong Dantes – Rhian Ramos: Marian Rivera, nakahinga ng maluwag! – Lolit Solis

MABUTI NA LANG nabigyan kami ng chance sa Startalk na magsalita tungkol dito sa isyu ni Hayden Kho, kaya nailabas namin ang pananaw namin sa isyu niya.

Lalo na si Butch Francisco na irita sa kasinungalingan ni Hayden, pati ang kampo niya, dahil alam naman nila ang totoong nangyari.

Emote na emote si Hayden sa paglitanya na hindi raw sila magsasalita sa Startalk dahil masama ang loob nila sa amin. Pero nu’ng panahong kailangan nila ng media mileage, ‘yung kailangan nilang mailabas ang kanilang panig, open ang Startalk sa kanila.

Pero sa akin naman, kung gusto nitong Hayden na magsalita sa ibang programa at hindi sa Startalk, okay lang talaga dahil hindi namin siya kailangan, mas kailangan niya kami, ‘no!

Talagang pinanindigan nila ang kuwento nilang hindi nagtangkang magpakamatay si Hayden, kundi nagkasakit lang daw talaga.

Kaya bumalik uli ang mga taga-Showbiz Central sa lugar, kung saan natagpuan si Hayden doon sa Silang, Cavite para kausapin ang mga taong nakakita sa kanya at tumulong na dalhin ito sa hospital.

Naloka ang crew ng Showbiz Central sa mga sinabi ng mga taong tumulong kay Hayden dahil nagalit sila sa pagdi-deny nila.

Sabi nga nu’ng isang lalaking nakakita kay Hayden, kung alam lang daw nilang iibahin nila ang kuwento at hindi nila aaminin kung ano talaga ang nangyari, sana raw nagtawag na lang daw sila ng sampung bading para pagsawaan daw ang katawan ni Hayden at pinabayaan nila ito.

Hindi na ako nagtaka na magsisinungaling sila at hindi nila sasabihin kung ano talaga ang ginawa ni Hayden dahil siyempre kailangan pa rin nila itong proteksiyunan lalo na’t nandiyan pa rin ang kaso at bongga pa rin ang suporta sa kanya ni Dra. Belo. Hay naku! Kaya ewan ko kung makukuha pa ni Hayden ang simpatiya ng mga tao.

Tama nga si Katrina Halili, mahirap patawarin ang taong hindi naman humihingi ng tawad at wala ka pa ring nakikitang pagbabago.

IN FAIRNESS KINA Dingdong Dantes at Rhian Ramos, hanggang sa natapos ang Stairway to Heaven nu’ng nakaraang Biyernes lalong gumanda ang chemistry nila kaya puwede pa talaga silang pagsamahin dahil may magic pa rin ang loveteam nila.

Pero balik Marian Rivera uli si Dingdong at mas gusto nila ito siyempre para wala nang intrigahan.

Tinanong nga si Marian ng Startalk reporter kung nakahinga na ba siya nang maluwag ngayong tapos na ang Stairway? Natapos na rin ang intriga sa kanila ni Rhian at napatunayan nitong mahal talaga siya ni Dingdong dahil walang  na-develop sa kanila ni Rhian, isang malutong na “Korak!” ang sagot ni Marian.

Pero consistent ito sa pagsasabi na wala siyang naramdamang selos kay Rhian at kung sakaling pagsamahin sila sa isang project, okay lang daw sa kanya at mas alam naman daw ng GMA-7 at ng manager niya kung ano ang makabubuti sa kanilang career.

Samantala, nirespeto naman daw ni Marian ang desisyon ni Mark Anthony Fernandez na magpaalam sa Darna dahil kailangan na nitong magpahinga para mapaghandaan ang susunod niyang project kasama si Regine Velasquez.

Magpapaopera pa si Mark ng cyst na tumubo sa dibdib niya kaya sey ni Marian, mabuti na ring pag-ukulan muna ni Mark ng panahon niya ang kanyang kalusugan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Tapos na ang tambalang Dingdong Dantes – Rhian Ramos: Marian Rivera, nakahinga ng maluwag! – Lolit Solis

  1. i am a dongyanatics fan but
    i think it’s karma noooence.
    but didnt marian take dingdong from karylle?
    maybe rhian might take dingdong :S
    never knows what the future will bring us but

  2. PWE! SI MARIAN NA MANG-A-AGAW NG BOYFRIEND NA ISANG PALENGKERA,,BANO UMARTE,ANG ALAM LANG AY UMINDAK,,,SAN ANG TALENT NIYA?

    • GANDA KO FYI C MARIAN AY HINDI PALENGKERA D BA HALATA D KA NGA NYA PINAPATULAN EH MAGING ANG MGA KASINUNGALINGANG NEGA ISSUE SA KANYA NARINIG MO BA SYANG SUMAGOT HINDI KASI D SYA BABABA SA LEVEL NYO DAHIL ISA SYANG SMART NA BABAE AT MAY PINAG-ARALAN ALAM MO SA MGA PANANALITA MO ETO LANG ANG MASASABI KO SA IYO IKAW ANG PALENGKERA, IKAW ANG WALANG PINAG-ARALAN, IKAW ANG WALANG MODO IN SHORT BASTOS KA KUNG MAKAPANG-HUSGA KA AKALA MO KUNG SINO KA MANALAMIN KA NGA MUNA AT KILALANIN MO MUNA NG HUSTO ANG SARILI MO KC KATAWA-TAWA KA ALAM MO KUNG BAKIT KC YUNG SINASABI MO KAY MARIAN TALBOG SA IYO BASAHIN MO NGA ULI YUNG COMMENT MO AT CGE NGA SABIHIN MO SA AKIN KUNG YUNG COMMENT MO AY COMMENT NG ISANG TAONG NAKAPAG-ARAL AT D PALENGKERA…HAHAHA…KAAWA-AWA KA DI MO PA PALA KILALA ANG SARILI MO…CHEAPPP HA!!!

  3. teka nga muna kayong mga bitter at haters ni marian bkit ba kau galit na galit sa kanya bakit dahil ba sya eh sobrang pinagpala ng PANGINOON HESUS dahil ba sa ubod ng ganda nya, sexy pa, ma-appeal pa, flawless, smart, certified milyonarya, malambing, sweet at higit sa lahat naiinggit kau kc mahal na mahal sya ni dd eh anong magagawa nya kung nakamit nya ang mga bagay na yan kc kasalanan nyo din eh bakit d ba sabi nga ang taong inaapi-api yun ang pinagpapala ni LORD kc kung ano ang gawin mo sa kapwa mo yun din ang ginagawa mo sa KANYA kaya yan tuloy inuulan c marian ng swerte sa lahat ng bagay dahil sa ginagawa nyo sa kanya…cge ipagpatuloy nyo pa ginagawa nyo kay marian baka kc tumanda kau pag d nyo ginawa yan kc d ba yan ang nagpapasaya sa inyo ang siraan c marian cge lang kaya lang hintayin nyo ang karma nyo dahil c marian ang dami nyang magagandang karma yan eh dahil sa ginagawa nyo sa kanya….babuuuu….kc kaming maka-marian masaya kami kc ang dami nyang blessings d ba kau naiinggit aminin….

  4. yah i agree mas bagay c marian& dingdong.kc c rhian maganda ang ugali.c marian mahadera palengkera mang aagaw pa.aba eh biruin mo naglilive in n pla ang dalawa.

    • oo nga maganda ang ugali ni rhian ugaling hayop bakit? kc lahat ng lalaking matabi sa kanya nilalandi nya d naman sya pinapatulan wawa naman sya bakit kaya ang tindi nga ng pang-aakit na ginawa nya kay dingdong d pa rin nya ito naakit at talagang pinatunayan ni dd na c marian ang punakamamahal nya cencia na kau iba c marian dami ng good qualities tanggapin nyo na kc ang katotohanan wag nyo pairalin ang inggit sa katawan kc masama yan nakakamatay yan pag sobra at tsaka paki-sabihan c rhian na bigyan naman nya ng kahit konting dignidad at respeto ang sarili nya hayaan nya ang lalaki ang humabol sa kanya at hindi sya ang halos maghubad sa harap ng lalaki para patulan sya alam nyo kilalang-kilala yan sa school nya before na ubod ng landi ala naman daw pumapatol sabi nga ni alessandra de rossi kay marian sabihan daw ni marian c dingdong na mag-ingat-ingat sa rhian na yan bakit kaya just curious bakit sagot nga uglywenpinch….hahahaha…pareho kau ng idol mong rhian na nakakasuka….

  5. FYI Dingdong & Rhian are not compatible w/ each other. Look at Rhian’s face he’s like a gay, squareface pa at ang boses ay parang lalaki. Dingdong will look good together w/ Marian & nobody else. We knew also that Dingdong loves so much to Marian Rivera.

  6. teka akala ko ba hindi magjowa si marian at dingdong.panay nga deny nila noong panahon ng break up nina karyle at ding.so its true maiinit pa issue noon kaya panay ang deny para maprotektahan nga naman ang career.tama nga naman palamig muna and in the end aamin din mga yan. IN FAIRNESS bagay talaga sina Rhian ramos at Ding dong..Enjoy at nakakakilig yun Stair way to HEAven..Sana magtambal ulit ang dalawa.Kahit na idol ko si piolo talagang pag stairway na, illipat ko talaga channel.mas gusto ko si rhian dingdong kesa piolo kc.

    • in fairness bagay na bagay talaga c dingdong at marian kc ang look ni dingdong manly ang dating at c marian mala-anghel ang face nya pareho silang sexy, pareho ma-appeal, parehong may mababang kalooban, parehong malambing in short para silang sina eba at adan…napakaganda pala talaga ni marian may make-up man o wala nakita ko na sya in person several times kaya tama lang ang pakilala sa kanya sa mga magazines na naco-cover sya…..SHE IS VERY BEAUTIFUL WHETHER YOU LIKE HER OR NOT… kokonti lang sa mga artista ang nagtataglay ng ganyang kagandahan na tulad ng sa kanya ika nga sa mga magazines na cover sya…TANGGAPIN WAG MAIINGGIT…

Leave a Reply

Your email address will not be published.