Tapos na ang kontrata sa Dos Derek Ramsay, libre nang lumipat sa Singko!

SA PRESSCON ng Corazon, Ang Unang Aswang, inamin ni Derek Ramsay na tapos na ang kontrata niya sa ABS noong February 29 at ngayon ay malaya na siyang magdesisyon kung mananatili ba siya sa ABS o mag-oober da bakod sa TV5. Inaming kinausap ni Sir Gabby Lopez ang amang si Mr. Derek Arnold Ramsay at kinausap din siya ni Ms. Malou Santos at nagsabi ang mga ito na sana ay manatili siya sa Kapamilya Network na matagal na niyang tahanan.

Bukas naman sa pagsasabing malaki ang utang na loob niya sa ABS at ‘di niya maaaring makalimutan ang mga tulong na naibigay nito sa kanya, ang problema ay walang klarong proyektong nakahain kung ano ang susunod na gagawin ng hunk actor.

Kung loyalty nga naman ang pag-uusapan ay walang kukuwestiyon dito dahil napatunayan na naman ni Derek na loyal talaga siya sa ABS. Ilang beses nang in-offer-an ng iba’t ibang istasyon ang aktor na triple pa nga sa talent fee niya sa Dos, pero nanatili rito at ginawa niya ang lahat ng makakaya sa bawat proyektong ipinagkakatiwala sa kanya.

Inamin ni Derek na masakit ang iniisip ng iba na pera ang maaaring maging dahilan para lumipat siya ng ibang istasyon, ito ay may kinalaman sa lumabas na kuwento na kaya raw siya lilipat sa bakuran ng TV5 ay dahil makikisosyo ang mga magulang sa pagpo-produce ng Amazing Race.

Ayon sa aktor, matagal nang kasosyo ng ama si Mr. Manny Pangilinan sa kanilang CCTV business, kung saan maging ang mga nausong swipe machines sa ABS ay nangga-ling din dito. ‘Di itinago na may offer talaga sa kanya ang TV5, pero sa lumabas na kuwento na gagawin daw niya rito ang Ama-zing Race, klinaro ng hunk actor na walang ganitong alok sa kanya ang Kapatid Network at sa natatandaan niyang laging sinasabi rati ay gusto niyang maging contestant sa nasabing show.

Sa ngayon, abala sa promo ng nasabing pelikula, kung saan kapareha niya si Erich Gonzales, sinisimulan na rin ni Derek ang pelikulang pagtatambalan nila ni Bea Alonzo under Star Cinema, pagkatapos ng pagtatambal nila dati sa pelikulang And I Love You So kasama si Sam Milby.

 

SA NASABING presscon din inamin ni Erich Gonzales na pinili niyang hindi magsalita dati sa isyu sa kanila ni Angelica Panganiban, dahil desisyon ito ng Star Magic para hindi na rin lumaki ang issue. Pinaliwanag naman ng young actress na naiintindihan niya kung magalit man sa kanya si Angelica dahil sa ‘di magagandang kuwento na lumabas sa kanila ng boyfriend nitong si Derek.

Ang maganda sa ngayon ay maayos na ang relasyon nila ng kapwa aktres, kung saan magkasama nga sila sa isang shampoo commercial. Ikinuwento ni Erich na binabati niya si Angelica ‘pag nagkikita sila at gumaganti naman ito ng bati sa kanya. Ayon pa sa dalaga, ang pinagsimulan ng kuwento ay dahil pinakilala siya ng aktor sa pamilya nito sa Tagaytay minsang galing sila sa taping dahil gusto siyang makilala ng ina ni Derek at ng kapatid nito na avid viewers ng Magkaribal. 

Nang tanungin sa presscon kung bukas ba siyang magkagusto kay Derek kung walang Angelica sa buhay ng kapareha sa ngayon, para kay Erich ay mabait, gentleman, marespetong tao at guwapo ang aktor at kahit sinong babae ay maaaring magkagusto rito. Pero nagbitaw ng salita si Erich na ayaw niya sa taga-showbiz at mas gusto niya ay isang pribadong lalaki ang makakarelasyon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

10 thoughts on “Tapos na ang kontrata sa Dos Derek Ramsay, libre nang lumipat sa Singko!

  1. Inggitera kasi yang kim chiu na yan, sya ang nagtsismis na pinakilala si Erich sa mama ni Derek. Kaya itong Angelica palengkera na ito, inaway si Erich dahil insecure ang bilbil nya sa kaseksihan ni Erich. Ang sarap sampalin ng golfballs na suso ni Kin Chiu at mala papaya na bagsak na boobs ni Angelica lukaret.

  2. KAPAG LUMIPAT SI DEREK SA TV5.. IT WILL BE HIS LOST.. MAYAMAN NA SYA KAYA DI SYA MAGUGUTOM KAHIT ILANG MILYON PA ANG TALENT FEE NA TANGGIHAN NYA SA TV5.. MARAMI NGANG PERA E MALALAOS KA LANG DIN NAMAN.. SA TRABAHO NG MGA ARTISTA, MAS MAHALAGA ANG FAME KESA WEALTH DAHIL KUNG HINDI KA FAMOUS E MAG SALES MAN K NA LANG SA SM. HEHEHEHE

  3. sana lumipat na sa tv5 si derek para makaparehas nya sa teleserye sina alice dixon at ruffa mga sikat na sikat at halige ng showbizness hehehe

  4. Pag lumipat si derek sa TV5 mas lalong maraming oras ang kantutan nila ni Erich dahil labas na siya sa ABS hahaha…. Si Erich ang lihim na gf ni derek…. Kaya nag -away si Angelica at Erich dahil sa sumbong ni KIM CHIU. Kaya ngayon magka away na rin si kim at erich….

  5. pag lumipat si derek, expect na mababawasan ang ningning ng kanyang bituin, whether he likes it or not. hindi pa malakas ang hatak ng tv5 sa mga pinoy, kapuso at kapamilya pa rin ang nangunguna so dapat pag isipan yan ni derek. matanda na sya kaya dapat dun sya sa makakapaghasa ng kulang pa sa acting nya. mayaman na sya hindi na kailangan ng big offers o maraming shows ni derek na puro reality shows naman. kung sa pagiging magkaibigan nila ni MVP ng tv5, set aside muna, pwede namang magkaibigan with no business thing. kung mababasa man ito ng isa sa mga nakapaligid kay derek ( i wish!hahahaha) pag isipan nya, kulang pa sya sa acting skills so matetrain pa sya sa kapamilya, wag puro reality shows na offer ng tv5, mawawala din yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.