Tapos na ang kanyang weather
Maricel Soriano, dapat nang mag-level up

AT LEAST, may nag-tiwala pang muli kay Maricel Soriano at pumirma muli siya ng kontrata sa Kapamilya Network para sa isang bagong teleserye, kung saan magsasama sila ng dating kasamahan niya sa Regal Films na si Dina Bonnevie at mga baguhang artista ng istasyon.

Hopefully, nag-level up na si Maria. Gone were the days niya na siya ang Maricel na mataray at bastos kung sumagot kung hindi man pabalang.

Aminin ni Maricel at dapat tanggapin niya sa sarili na hindi na siya sikat tulad ng dati at marami nang mga bago, mas sariwa at mas magaling sa kanya. In short, alangan na siyang magbida para mabenta ang isang pelikula.

Panahon na nina Angel Locsin, Angelica Panganiban at Bea Alonzo, and not to forget Sarah Geronimo.

Whoever is in charge with Maricel’s career, dapat  ginigising na siya paminsan-minsan kung kakailanganin dahil it’s a new start for her at sa muli niyang pagharap sa showbiz para maging aktibo.

 

KALOKA HUH! Maha-harass nga ang kung sino mang artista kung ganyan ang set-up kapag nagte-taping ka sa Kapamilya Network.

Last Tuesday, super harass si Albert Martinez dahil umaga pa lang, may audience na siya kasama ang ibang mga artista para sa pelikulang Ang Sugo kung saan haharap sila sa head ng Iglesia ni Cristo.

From the Central headquarters of the INC, lagare pa sa press conference si Albert sa Quezon City Sports Club sa E. Rodriguez kung saan humarap siya kasama ang mga artistang kasamahan sa pelikula at mga distinguished leader ng INC at sa media.

Napag-alaman namin na ang pelikula ay tatalakay sa buhay ng pinuno ng INC na si Felix Manalo.

Actually, napag-alaman namin from friend Arlyn dela Cruz (who will write the script of the movie) na three generations ang itatakbo ng pelikula kaya tatlong bidang lalaki ang gaganap dito.

Si Albert, Richard Gomez at Sen. Bong Revilla at kasama sina Lani Mercado, Snooky Serna, Gladys Reyes at ilang mga artista na mga INC members.

Back to Albert’s taping; from the press conference, shoot, edit and broadcast pala ang mga eksena niya sa Princess and I na noong araw na ‘yun ay kailangan niyang makaalis nang maaga para sa taping ng teleserye sa Antipolo.

In that same INC event, maaga ring nagpaalam si Goma who have a confirmed flight back to Ormoc City, his turf.

Sa July 2014 nakatakdang ipalabas ang pelikula in time for INC’s centennial.

TODAY, FRIDAY ng hapon, ang da-ting ni Sylvia Sanchez kasama ang mister na si Art Atayde from their Holy land Pilgrimage. Umalis sila ng Israel kagabi, Thursday.

Malamang, sa pagbabalik niya, daming dalang kuwento ni Ibyang. From her feeling, winning as the 26th Star Awards for Television Best Female Actress in a Single Performance in MMK’s Aswang (bigla siyang nawala sa awards venue before binanggit ni Eddie Garcia ang nominees sa kategorya for her flight that night); ang road accident na naganap sa Haifa on their way back to Jerusalem from Mt. Tabor; at siyempre, ang reaction niya sa kauna-unahang mother and son award nila ng anak na si Arjo Atayde as Best New Male TV Personality for MMK’s “Bangka” episode (first in Philippine history sa isang award-giving body) at marami pang iba.

By the way, producer na rin pala si Sylvia sa first ever concert nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap (aka Sir Chief) sa December 8 na gaganapin sa Metro Bar along West Avenue in Kyusi.
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

6 thoughts on “Tapos na ang kanyang weather
Maricel Soriano, dapat nang mag-level up

  1. heyy!! kung cnu mn ang ng sulat !! n2 kahit hnd na sia sikt 2lad nuon !! pero atleast nakikita pa rin sia sa tv at may humahanga pa sa knya .. e ikw writer ka lng na mn haaa!! kung mka pag salita ka about ky maricel kala mo kung cnu !!! REMEMBER ! wlang perfec2ng tao sa mundo noo!!

  2. Sobra ka namang makapagsalita na writer ka, aminin di ka lang maka maricel, well anywa we cannot please everybody naman talga, basta ako marami na na-icontribute saPhil. Film Industry si Maricel, i-compare mo ba naman kina Bea, Sarah at kung anik anik dyan, oo sila ang sikat ngayon, eh ganyan naman talga sa showbiz seasons ang pagsikat, ganun din naman noon kina Susan Roces, Amalia, tapos geartion nina Nora, Vilma, Maricel, Sharon, eh mga nagreyna na yan sa showbiz umabot pa nga untill now, unfair ang wite up mo na yan.

    Eh kung bibigyan ka pa ng pagkakataon na mabuhay ng matagal eh you will observe soon na ang mga titukoy mo na nagreyreyna ngayon eh mapapalitan din, ang importante gumawa din sila ng name at magiwan ng something valuable with regards to their respective carreers, oh kaya tama na ang ang mga negativity, paghusayan mo na lang ang pagsusulat mo, apara tumagal ka rin sa field of work mo, human being ka rin tulad ni Maricel, baka nga mas grabe pa ang nararanasan mo sa buhay mo, so wag mapanghusga, life is too short, move on Darling RV

  3. Nagkapatawaran na sila ng kanyang mga kasambahay. The kasambahays were even hugging her after they talked. Lahat nagkakamali ang importante marunong kang magpakumbaba. Besides the pambubugbog ws never proven ni walang pasa ang mga maids. I understand Maricel. She never was a FAKE. When she went thru depression tumigil siya sa pagsesend ng inspirational messages. May pinagdaanan lang talaga siya, Wag maging mapanghusga. She may not be on top at ibang panahon na ngayon but no one can replicate her filmography. She still has a lot to offer at amrami pa rin ang nasasabik na mapanood siya. 

  4. ang writer na ito ay maka-kapamilya hahahahaha .. itong si maricel noon nababalita na laging nagsesend ng mga inspiration o religious messages tapos laging pa-anghel ang image sa mga interviews tapos nasangkot sa pambubogbog sa kasambahay, classic example ng tao na bait baitan kuno.

    ..

    kawawa naman ang mga kapuso starlets mr. RK, bakit di mo naman sinama sa mga magagaling na artista? hahahahahahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.