Tapatang Maja Salvador at Melai Cantiveros, inaabangan!

Malapit na ngang ipalabas ang Precious Hearts Romances presents Impostor. Ito bale ang first anniversary gift ng nasabing programa para sa mga tagasubaybay nito. Ang next season ay pagbibidahan nina Sam Milby, Jason Francisco, Melai Cantiveros at ang lalong gumagandang si Maja Salvador.

Ngayon pa lang ay marami na ang naaaliw sa trailer ng nasabing TV series. Ang kuwento ay tungkol sa isang babae na nagpapanggap sa ilalim ng mukha ng ibang tao. Kahit pa may mystery effect ang mga ipinapakita nilang teasers, nagiging comedy ito sa huli kaya mas lalong maraming fans ang nananabik na mapanood na ito agad.

Kilala si Maja Salvador sa kanyang natatanging pagganap sa mga drama roles. Halos lahat ‘ata ng mga projects na ipinagkatiwala sa kanya ay nagampanan niya nang mahusay. Hindi rin niya binigo ang mga kritiko na talaga namang bilib na bilib sa kakayahan niya. Bihira natin siyang mapanood sa larangan ng pagpapatawa kaya rito rin masusukat ang kanyang versatility as an actress.

Sa kaso naman ni Melai Cantiveros, kailangan niyang mapatunayan na hindi lang hanggang PBB Double Up ang karisma niya. Meron siya ngayong TV show with her boyfriend Jason Francisco na Melason in the City, pero kapansin-pansin na rin na paunti-unti na ring nawawala ang interes ng tao sa kanila. Kailangan pa niyang i-explore ang kanyang capabilities bilang isang komedyante (du’n din naman talaga ang bagsak n’ya, ‘noh!) para hindi lang pang-2010 ang kanyang kasikatan.

Maja at Melai. Pambihirang kumbinasyon, pero siguradong maaksiyon. Ano kaya ang kalalabasan ng pagsasamang ito? ‘Yan ang dapat nating abangan!

Comments? Questions? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com or visit the website at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

2 thoughts on “Tapatang Maja Salvador at Melai Cantiveros, inaabangan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.