Taon ng Hiwalayan

ITO NA yata ang taon ng ‘hiwalayan’. Sa dami ng kontrobersiya sa taong 2013, marami sa mga sikat na showbiz couples ang naghiwalay na ng landas at ang ilan sa mga ito ay gumawa ng ingay. Tayo na’t balikan ang mga nangyaring showbiz break-up.

 Derek Ramsay & Cristine Reyes Derek Ramsay and Cristine Reyes

AGAD-AGAD AS in nag-break-up din ang magkasintahang Derek Ramsay at Cristine Reyes. Masasabing isang linggong pag-ibig lang ang peg ng dalawa na sinasabi pa ng iba na tila nagtikiman lang.

Matatandaan na wala pang isang buwan ang relasyon nina Derek at Cristine, may mga lumabas ding tsismis na tinuldukan na ng dalawa ang kanilang relasyon dahil sa pagkakaroon daw ng sex video nina Cristine at ex-boyfriend nitong si Rayver Cruz. Itinanggi naman ng aktor at ni Cristine  ang nasabing malaswang video at sinabing paninira lang ito sa kanila.

Tulad ng ibang break-ups, inamin ni Derek ang hiwalayan nila ng aktres subalit gaya rin ng iba, tikom ang bibig ng aktor at gustong isapribado na lang ang mga bagay-bagay. Sinabi pa ng Kapatid hunk na kung totoo man na mayroong sex video, hindi na raw ito mahalaga dahil para sa kanya, “past is past.”

Samantala, nasangkot din sa hiwalayang Derek-Cristine ang pangalan ni Ynna Asistio pero itinanggi rin ito ng aktres at sinabing malapit lang silang magkaibigan ni Cristine at kagagaling lang rin niya sa break-up kay Mark Herras, at wala pang balak pumasok sa panibagong relasyon.

Matatandaan din na in-good-terms na ang dalawa sa ngayon at marami ang nagsasabing nagkabalikan na ang dating magkasintahan.

 Angel Locsin & Phil Younghusband

Angel Locsin and Phil YounghusbandMAALALA NAMAN na sa Twitter nagsimula ang love story nina Angel Locsin at Phil Younghusband na walang habas na nagpahayag ang atleta na nais niyang maka-date ang Kapamilya actress na naging daan upang magkakilanlan ang dalawa, hanggang sa tuluyang naging opisyal na magkarelasyon. Subalit sa twitter din pala magwawakas ang lahat sa ipinost ni Angel na totoong break na sila ni Phil.

Inihayag ni Angel na mutual ang desisyon ng kanilang paghihiwalay at wala raw third party na involve. Matapos namang magsalita ang aktres, hindi naman nagbigay ng detalye ang football player tungkol sa break-up nila, sa halip ay nagpasalamat na lamang ang binata sa lahat ng tagahangang sumuporta sa kanila.

Marami rin ang nag-akala na sina Angel at Phil na ang magkakatuluyan, lalo pa’t bukas sa pagsasabi ang atleta na nais niyang pakasalan ang aktres balang araw. Pero ayon na rin sa huling pahayag ni Angel, malabo na talaga silang magkaayos pa.

Luis Manzano & Jennylyn Mercado

Jennylyn Mercado and Luis Manzano

HINDI PA man nagtatagal, naghiwalay na rin sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Sumingaw ang nasabing break-up nang simulang itigil ng dalawa ang pagpo-post sa Instagram ng mga larawang magkasama sila at itinigil din ang paglabas ng updates tungkol sa kanilang dalawa.

Sa una, lumutang na ayaw raw munang pagtuunan ng pansin ng aktres ang kanyang buhay pag-ibig, samantalang gusto namang gawing pribado ni Luis ang nangyaring break-up nila ng kasintahan.

Sa pagiging tahimik ng TV host-actor sa isyu, hindi na napigil ni Jennylyn na magsalita at magbigay ng pahayag hinggil sa naturang hiwalayan. Inamin ng aktres na walang katotohanan ang mga balitang kumakalat sa paghihiwalay nila ni Luis. Itinanggi rin niya na may third party kung bakit nila tinapos ang kanilang nag-uumpisa pa lamang na pagmamahalan. Wala rin daw katotohanan na nakikipagtagpo at nakikipag-date siya sa ex-boyfriend na si Dennis Trillo habang karelasyon si Luis.

 Billy Crawford & Nikki Gil Billy Crawford and Nikki Gil

AT ANG pinakapinag-usapang BF-GF hiwalayan ay ang break-up nina Billy Crawford at Nikki Gil. Matapos ang ilang taong magkarelasyon, nauwi rin sa hiwalayan ng landas ang dalawang Kapamilya stars. Sa kabila ng mga intriga, ipinagtanggol ng actor-TV host ang dating nobya at sinabing walang ibang dapat sisihin kung hindi ang kanyang sarili sa nangyaring hiwalayan na gumulat sa entertainment industry. Inamin din ni Billy na sinubukan pa ni Nikki na ayusin ang kanilang relasyon ngunit siya na mismo ang sumuko.

Isa sa lumabas na dahilan ng kanilang break-up ay nais ni Billy na mas makilala pa ang kanyang sarili. Alam din niya na masakit ang kanyang ginawa kaya humingi siya ng pang-unawa sa kanilang mga tagahanga at nagpasalamat na rin sa mga suportang nakuha nila.

Maaalala na nadawit din sa nasabing hiwalayan ang kasamahan ni Billy sa It’s Showtime na si Coleen Garcia na itinuturong new apple of the eye raw ng binata. Tulad naman ng inaasahan, todo-tanggi ang dalaga sa isyu at dahil sanay na rin daw sa showbiz, hindi na raw ikinagulat ng baguhang aktres ang pagkaka-link nilang dalawa.

Samantala, may mga kumalat ding litrato na masayang magkasama ang dalawang taartits sa isang bar na nagpatibay sa mga alingasngas, pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring kwestiyunable kung anuman ang tunay nilang relasyon.

 Ai-Ai delas Alas & Jed Salang

Ai-Ai delas Alas and Jed SalangKUNG MAY BF-GF hiwalayan sa showbizlandia, mayroon ding hiwalayang husband-wife gaya na lang ng hiwalayang Ai-Ai delas Alas at Jed Salang na hindi man lang nagtagal ang pagiging magkabiyak.

Isang buwan lamang matapos makasal si Ai-Ai at ang businessman na si Jed, agad na pumutok ang balita na hiwalay na ang dalawa. Ibinunyag ng komedyana na napagdesisyunan niyang iwan ang batang mister dahil sa pananakit nito sa kanya. Nasundan na ito ng away nilang dalawa at nauwi na sa pisikalan. Kabilang din aniya sa nagtulak sa kanyang iwan si Jed ay ang mga tila kumpirmasyon na dating naririnig niyang intensyon nito sa kanya.

Inamin din ng aktres na minahal niya ang asawa ngunit hindi nito kayang tumbasan ang sakit na idinulot nito sa kanya.

Matapos na halos sagutin ng komedyana ang gastusin sa kanilang kasal, sa hiwalayan din pala nauwi ang lahat.

 Cesar Montano & Sunshine Cruz

Cesar Montano and Sunshine CruzHUMABOL DIN sa hiwalayan ang matagal nang relasyon nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Nagsimula ang lahat nang maghain ang aktres ng complaint-affidavit laban kay Cesar dahil diumano sa pang-aabusong sekswal ng mister sa kanya. Nakasaad din sa nasabing affidavit na patuloy rin daw ang pakikipagrelasyon ng asawa sa starlet na si Krista Miller na nakasama ni Cesar sa pelikulang pinagbidahan at idinirek noon.

Bukod sa mga akusasyon ni Sunshine, pinagbintangan din ng aktor ang aktres sa pagkakaroon daw nito ng boyfriend na mariing itinanggi ni Sunshine.

Naghain din ang aktres ng petition for Temprary Protection Order (TPO) laban sa mister dahil ayaw na raw ibalik ng aktor ang tatlo nilang anak.

Samantala, pinabulaanan din ni Sunshine ang akusasyon ng asawa na marami siyang hinihinging financial demands sa gitna ng kontrobersyal na hiwalayan nila.

 Claudine Barretto & Raymart Santiago

Claudine Barretto and Raymart Santiago

ANG PINAKAMAINGAY at pinakakontrobersyal na husband-wife break-up ay ang hiwalayang Claudine Barretto at Raymart Santiago na umabot pa sa demahandahan.

Una, nagsimula ang away ng dalawa sa bangko, kung saan naunahan si Claudine nang mag-withdraw ng pera sa joint account nila ng asawa. Wala namang sinabi kung sino ang naunang nag-withdraw, pero iisa ang pinagdududahan at iyon ay si Raymart.

Ikalawa, base na rin sa mga pahayag ng aktres, pakiramdam daw nito hindi siya safe sa sariling bahay. Nakararanas daw ng pang-aabuso si Claudine sa mister at ang umanong mapanirang posts sa social media ng ilang kaanak daw ni Raymart na labis na nakasakit sa kanya. Mayroon ding video na binanggit si Claudine na maaari daw lumabas sa kampo ni Raymart.

Handa namang harapin ng aktor ang mga isinampang kaso ng asawa at may mga hawak rin daw na ebidensiya si Raymart para mapatunayang kasinungalingan ang lahat ng akusasyon sa kanya.

Nagkasanga-sanga na nga ang nasabing break-up ng mag-asawa dahil bukod sa patung-patong na kaso sa isa’t isa, inakusahan din ni Raymart ang misis na gumagamit ng droga kasama pa ang ebidensiya na isa siyang battered husband. Nasangkot na rin ang kani-kanilang pamilya sa gulo na sila rin ang may gawa.

Text by MK Caguingin

Photos by Ronnie Bernaldo, Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

loading...

18 thoughts on “Taon ng Hiwalayan

  1. Sus di din bakit si Aubrey kahit may anak n never tumaba noh kah!! Saka Kung lagi mo sinasabi n bitchy si angel mas masahol idol mo no klase Babae at Ina sya dideny Nya anak Nya at pinapansin abort yucks!!!

    • hahahahahaha!
      alam mo jun-jun! maski si Aubrey Miles aminado na tumaba at hirap daw sya magpapayat sabi nya sa isang show sa newstv.
      kaya itigil mo na ang mga imbento mo jun-jun!

      alam mo jun-jun may projects si Marian nung time na sinasabi mong buntis sya! kaya imposible yan jun-jun. ok?
      hahahahahaha!

      isang Locaret lang magsasabi na buntis sya jun-jun.
      hahahahahaha!
      sabagay Locaret ka naman diba? kaya idol mo si Locring!
      hahahahahaha!

  2. Pwede ba yang angel locsin nyo mukha nang matrona ang hitsura sa dami ba naman ng naging lalaki nyan mahpinssn nga tinuhog eh looking dry na sya la na laosya na the end na sya

  3. Sus e si marian n palengkera deny ng anak at Isang abortionist Knows ba sa international world hekhek…..e certified flopsina nga

    • tumataba po ang mga nanganganak Jun-jun! hahahaha!
      gaya na lang ng biglang pagtaba ni Angel Locring!
      hahahahahaha!
      si Marian never pang tumaba, kaya imposible yang panaginip mo!
      hahahahaha!
      sabagay panaginip lang naman yan diba?
      hahahahaha!
      sa laki ng burat nila Phil at James para naring nanganak yang si Locring! pagsabayin ba naman! hahahahahaha!

    • Yuck wag naman si sam milby laos na yun eh!
      Dapat mga international stars naman ang ipartner kay Angel like Channing Tatum, Brad Pitt, Chuck Bass, Edge Westwick, Robert Pattinson, Taylor Lautner, etc.

      • Laos na rin si Angel eh so bagay sila. Hakhakhak!
        International?? Bakit, kilala ba si Anghet kahit sa Southeast Asia? Hakhakhak!
        Alam kong mahilig sa international na burat si Anghet pero magtiyaga na lang siya kay Phil. Hanggang yun lang ang kaya ng pera niya. Hakhakhak!

      • Nakita lang po, hindi napansin. Kasi kng napansin yan, eh di dapat may offers na sa kanya sa labas ng Pinas. Hakhakhak!

    • Sana isama ka na ni satanas sa impyerno! Bagay n bagay kayo… Wahahahahahha spell insecure?? Ahahahahahhahaahahahaha.. Walang bukang bibig kung hnd c angel.. Magmumog ka ng asin para pamarisan yang mabaho mong hininga! Puros ka paninira… Ayan na ang Karma! Ahahahahaha

      • hahahahahahahaha!
        boba talaga yang si ItsObvious!

        OBVIOUS BA? hahahahahahaha!
        sakit ng tyan ko sa kakatawa! hahahahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.