Tao, kasamang nasunog sa SUV

TUSTADO NA ANG isang hindi pa nakikilalang biktima nang makita sa loob ng nasunog na sport utility vehicle habang nakabangketa sa gilid ng kalsada sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inaalam pa ang kasarian ng biktima na nilamon na ng apoy ang laman at halos bungo na lamang sa ulo ang natira.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Bobby Mario Egera at PO2 Romel Bautista, ala-1:55 ng umaga, nang magliyab ang Mitsubishi SUV habang nakabangketa sa C-3 Rd., ng nasabing lungsod.

Agad namang itinawag ng ilang napadaan sa lugar sa bumbero ang pangyayari at nang respondehan ay napatay ang apoy hanggang sa makita ang biktima sa likuran ng driver seat.

Walang plaka sa harap ang SUV at sa likod ay tanging WLW-5 lamang ang natira.

Nabatid na bago ang insidente, isang kotse na hindi na nakuha ang plaka ang nakita sa tabi ng SUV at nang umalis ay bigla na lamang nagliyab ang SUV.

Inaalam na rin ng mga pulis kung pinatay muna bago sinunog ang biktima kasama ng SUV. (MARY H. SAPICO/ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.