Parazzi Chikka: Tanya Garcia, tatlong buwan nang buntis!

Nakapanayam namin ang dating teleserye star na si Tanya Garcia sa grand launch ng Alcutraz Hair Salon noong Marso 27, 2010 sa Metrowalk. Masayang ikinuwento sa amin ng aktres na hindi lang pala ang bagong negosyo ang ikinatutuwa niya ngayon. Siya pala ay three months pregnant sa ikalawang anak nila ni Mark Lapid. Kaya naman pala napaka-blooming ngayon ni Tanya, huh!

Sa ngayon ay wala pa ring balak bumalik sa showbiz ang magandang aktres. Mas mabuti nga sigurong pagtuunan niya muna ng pansin ang bagong negosyo at ang parating na sanggol.

Mula sa Pinoy Parazzi family, gusto naming iparating ang buong-puso naming congratulations!

Text and Photos By Mica Rodriguez

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.