Tanod, Tadtad ng Saksak; Basag ang Bungo

PATAY ANG isang barangay tanod matapos saksakin at basagin ang bungo sa Brgy. Bagong Silao, Dumalinao sa Zamboanga Del Sur.

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan at basag pa ang bungo nang matagpuan ang bangkay ng biktima na kinilalang si Galabin Gabino Abing, 60-anyos, tanod sa naturang barangay na nasa mahigit kumulang isang kilometro mula sa tahanan nito.

Halos hindi na rin makilala ang biktima dahil wasak na wasak ang mukha nito na posibleng gumamit ng bato ang salarin.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Dumalinao municipal police station na pinangungunahan ni P/Insp. Mark Gerome Nebria, kinilala ang isang Pradel Julito bilang responsable sa insidente.

Samantala, personal na galit ang isa sa nakikitang motibo ng mga otoridad sa karumal-dumal na pagpaslang sa biktima.

Napag-alaman din na tinangay pa ng salarin ang dalang baril ng biktima saka tuluyang tumakas.

Sa ngayon, patuloy pa rin na pinaghahanap ng mga kinauukulan ang nakatakas na suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.