Tanod, Sinapak ng Sekyu

SA HALIP na kasong pambarangay, kasong direct assault ang haharapin ng lasing na sekyu matapos sapakin ang barangay tanod na magdadala sa una sa barangay hall matapos ireklamo ng panggugulo sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong direct assault si Victor Cayabyab, 41 ng Ususan Ext., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon, nakatanggap ng reklamo ang mga barangay tanod ng Brgy. 28 na may kaguluhan sa nasabing lugar.

Kasama si Dennis Gonzales sa mga tanod na rumesponde at naabutan ang lasing na suspek na naging dahilan upang anyayahan sa barangay hall upang mapag-usapan.

Habang naglalakad sa Lourdes St., ng lungsod ay biglang sinapak ng suspek si Gonzales na mabillis na napagtulungan ng mga tanod na naging dahilan upang idiretso sa presinto ang una at sinampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.