Tanod, Patay sa Ratrat ng Riding-In-Tandem

PATAY SA pamamaril ng riding-in-tandem ang isang barangay tanod ng Barangay Payatas B sa Quezon City alas-5:00 ng madaling-araw kamakailan.

Ilang metro lang ang layo sa barangay hall nang paulanan ng bala ang 34 anyos na biktimang si Joseph De Cara.

Nabatid na naka-duty pa ang biktima at patungo na sana sa kanyang sideline na pagiging dispatcher sa may Urban Road ng Lupang Pangako sa Payatas B.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) Team ng Quezon City Police sa nangyaring insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.